Antonette Gail, naoperahan dahil sa bartholin cyst

Antonette Gail, naoperahan dahil sa bartholin cyst

- Minabuti ni Antonette Gail na ibahagi ang dahilan kung bakit siya isinugod sa ospital

- Kabilang sa mga pinabulaanan niya ay ang alegasyong nagkaroon ng problema sa kanyang pinaretoke dahil sa kanyang pagsayaw

- Sa kanyang video na binahagi ay naibahagi niya na muli ay napansin niya ang pagkakaroon ng buko

- Matatandaang nagkaroon din siya ng bartholin cyst noong buntis siya sa anak na si Meteor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Antonette Gail na kaya siya naoperahan kamakailan ay dahil sa bartholin cyst. Matatandaang nagkaroon siya nito noong pinagbubuntis niya ang anak.

Antonette Gail, naoperahan dahil sa bartholin cyst
Antonette Gail, naoperahan dahil sa bartholin cyst
Source: Facebook
Hindi po totoo kaya ako na-ospital dahil nag water dance ako.

Naibahagi ni Antonette na kamakailan lang nang mapansin niya ang bukol sa maselang bahagi ng katawan niya. Kung ikukumpara daw sa sakit na naranasan niya nung unang beses na nagkaroon siya ng bartholin cyst, mas masakit daw yung unang beses.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Aniya, walang madidis-align sa kanyang pinagawa dahil aniya ay magaling gumawa si Doc Yappy na doktor din na gumagawa sa ilang social media personalities kagaya ni Toni Fowler.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinabulaanan ni Antonette na dahil sa pagsayaw niya kaya daw nagkaroon ng problema sa kanyang mga pinaopera.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel