Alex Gonzaga, Mikee Morada at Uncle Jojo, kinaaliwan sa kanilang Halloween costume

Alex Gonzaga, Mikee Morada at Uncle Jojo, kinaaliwan sa kanilang Halloween costume

- Kinaaliwan si Alex Gonzaga sa kanyang Instagram post kung saan pinakita ang costume nila ng kanyang mister na si Mikee Morada at kanilang Uncle Jojo

- Ginaya nila ang kayang ate na si Toni Gonzaga, ang mister nitong si Paul Soriano at ang anak nilang si Seve

- Gumawa din sila ng spoof ng TV commercial na iniendorso nila na isang brand ng gatas

- Sa kanyang caption ay sinabi ni Alex na magagalit sa kanya ang kanyang pamangkin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Alex Gonzaga ang kwelang picture nila ng mister na si Mikee Morada kasama ang kanilang Uncle Jojo. Ginaya nila ang kayang ate na si Toni Gonzaga, ang mister nitong si Paul Soriano at ang anak nilang si Seve.

Alex Gonzaga, Mikee Morada at Uncle Jojo, kinaaliwan sa kanilang Halloween costume
Alex Gonzaga, Mikee Morada at Uncle Jojo, kinaaliwan sa kanilang Halloween costume (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Siya ay nakasuot ng pulang bestida bilang paggaya sa kanyang ate, habang ang kanyang asawang si Mikee ay ginaya naman si Paul Soriano. Nakaluhod naman ang kanilang uncle Jojo na ginaya si Seve.

Read also

Xian Gaza, kinaaliwan ng netizens sa biro niya kay Rosmar Tan

Sa kanyang caption ay sinabi ni Alex na magagalit sa kanya ang kanyang pamangkin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel