Kendra Kramer, pumasok na sa regular school matapos ang 4 na taong homeschooling

Kendra Kramer, pumasok na sa regular school matapos ang 4 na taong homeschooling

- Binahagi ni Doug Kramer ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school

- Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin

- Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school

- Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud daddy si Doug Kramer sa kanyang anak na si Kendra Kramer na pumasok na bilang Grade 8 na mag-aaral sa isang regular school. Ani Doug, napagpasyahan nila ni Cheska na pwede nang ipasok uli si Kendra sa regular school nang masiguro nilang handa na ito.

Kendra Kramer, pumasok na sa regular school matapos ang 4 na taong homeschooling
Kendra Kramer, pumasok na sa regular school matapos ang 4 na taong homeschooling (@dougkramer)
Source: Instagram

Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid at proud siya sa kanyang anak.

She's a hard worker, responsible, studious, and God-fearing child. An example she has collectively shown to Scarlett and Gavin. It's so important as an older sister to set an example to her younger siblings, they follow her actions.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Nauna nang pinakita ni Doug ang transformation ng condo nila ni Chesca. Kahit pa ang kanilang pamilya ay maituturing na ilan sa mga pinaka successful pagdating sa kanilang mga investment, inamin ni Doug na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Chesca ang tungkol sa kanyang IVF journey. Ito ang paraan na ginagawa nila upang magkaroon na ng panibagong karagdagan sa kanilang pamilya. Gayunpaman, ayon sa aktres, tatlong beses nang hindi naging matagumpay ang proseso kaya hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak. Aminado siyang gusto pa rin niya pero hindi muna niya iyon pagtutuonan ng pansin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel