Grace Mondina aka "Marites," hiling na ma-finalize na ang divorce nila ng ni PK

Grace Mondina aka "Marites," hiling na ma-finalize na ang divorce nila ng ni PK

- Nagpaunlak si Grace Mondina na nakilala din bilang si Marites na sagutin ang ilang katanungan sa YouTube channel na Wander Z Vlogs

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay kung ano umano ang kanyang kahilingan ngayong pasko

- Aniya, ang gusto niya ay ma-finalize na ang "D word" na ibig sabihin ay ang divorce nila ng dating asawa

- Matatandaang matapos ang pagsasapubliko ni Pambansang Kolokoy ng tungkol sa kanilang paghihiwalay, nakasama pa niya si Marites sa isa sa kanyang vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Grace Mondina na nakilala din bilang si Marites, ang hiling niya ngayong pasko ay matapos na ang proseso ng kanilang paghihiwalay ng dating asawang si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Sa ibinahaging video sa YouTube channel na Wander Z Vlogs nagpaunlak si Marites na sagutin ang ilan sa mga tanong sa kanya.

Grace Mondina aka "Marites," hiling na ma-finalize na ang divorce nila ng ni PK
Grace Mondina aka "Marites," hiling na ma-finalize na ang divorce nila ng ni PK (Screenshot from Wander Z Vlogs/YT)
Source: Instagram

Sinagot niya ang ilang katanungan sa YouTube channel na Wander Z Vlogs. Gusto naman umano niyang makapagsimula ng sarili niyang company. Ito umano ang kanyang New Year's resolution.

Para naman sa mga magkarelasyon, payo niyang kailangan ng communication, commitment, respect at trust para maging matatag ang relasyon.

Itinuturing niyang ang pagiging strong at independent niya ang kanyang pinakamalaking blessing.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel