Toni Fowler, naiyak dahil sa pag-alis nina Tatay Elon at Nanay Venus
- Binahagi ni Toni Fowler ang vlog kung saan nagpapaalam ang dating karelasyon niyang si Tatay Elon at ang asawa nitong si Nanay Venus
- Pinakita nila ang pagbabahagi ni Toni sa lahat ng ToRo family ang tungkol sa desisyon ng mag-asawa
- Nang sila na lamang ang magkakasama ay naiyak si Toni dahil pakiramdamdam niya ay paulit-ulit na lang siyang iniiwan
- Gayunpaman, pinaliwanag niya kay Tyronia na kahit wala na sa kanila ay tuloy na mag-co-coparenting sila bilang mga magulang ni Tyronia
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Toni Fowler sa kanyang vlog ang pagpapaalam niya sa kanyang mga kasamahan sa ToRo family tungkol sa desisyon nina Tatay Elon at Nanay Venus na umalis na muna sa ToRo condo. Ayon sa mag-asawa, nais nilang mag-grow nang sila lang at nahiya na raw sila na maging pabigat sila kay Toni.
Naging emosyonal si Tyronia pati ang mag-asawa habang nagpapaliwanag. Ayon kay Tyronia, akala niya hindi na aalis ang kanyang tatay.
Hindi naman napigilan ni Toni na maiyak nang sila na lang ang natirang nag-uusap. Aniya, pakiramdam niya ay iniiwan na naman siya. Nasasaktan din daw siya para kay Tyronia.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Source: KAMI.com.gh