Cristy sa isyu nina Moira at Jason: "Pareho lang silang nagkagamitan kaya it's a tie"

Cristy sa isyu nina Moira at Jason: "Pareho lang silang nagkagamitan kaya it's a tie"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin kaugnay ng muling nag-iingay na isyu nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

- Mabusising idinetalye ni Cristy ang umano'y nalaman nila at napapansin sa itinatakbo ng kontrobersiya ng dalawa

- Aniya, tila pareho lamang na nagkagamitan ang mga ito sa sitwasyong naibabahagi nila sa publiko

- Matatandaang kamakailan, naging kontrobersyal ang paglalabas ng bagong kanta at music video ni Jason dahil sa ilang clips kung saan naroon pa rin si Moira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa kontrobersiyang muli na namang umaalingawngaw, ang tungkol sa dating relasyon nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Cristy sa isyu nina Moira at Jason: "Pareho lang silang nagkagamitan kaya it's a tie"
Jason Hernandez and Moira dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan muli ito dahil sa music video ng bagong awitin ni Jason na may pamagat na Ikaw pa rin.

Read also

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"

Sa naturang video, natuldukan ang haka-hakang mayroon nang bagong nagpapatibok ng puso ni Jason. Bahagi lamang ito ng music video tulad na lamang ng mga ilang clips ng kasal nila noon ni Moira.

Dahil dito, nasabi ni Cristy na tila nagkakagamitan lang umano ang dalawa base na rin sa mga naibabahagi nila sa publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Actually, kung ang pagbabasehan natin ay gamitan, pareho silang manggagamit. , pareho silang naggamitan sa sitwasyon"

Aniya, maging sa concert ni Moira, may ilang nagawa ito tulad ng pagpapalit umano ng ilang lyrics ng kanyang awitin para umakma na sa kasalukuyan nilang sitwasyon.

"Kaya sa punto ng gamitan, pareho lang silang nagkagamitan. Kaya it's a tie"

Mas naging kapansin-pansin lamang umano ang mga nagagawa ni Jason dahil sa nagamit na footage ng kasal nina ni Moira. Ani Cristy, dapat naman umanong magpakatotoo si Moira sa nangyari at nangyayari pa.

Read also

74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, hinangaan ng marami

"Kaya lang mas glaring 'yung ginawa ni Jason dahil gumamit pa siya ng footage. Ito namang si Moira ayaw magpakatotoo kung ano ang dahilan ng hiwalayan basta may term na manloloko"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Matatandaang sa naunang episode ng Showbiz Now Na! hinamon pa 'di umano ni Cristy sina Jason at Moira na ipakita ang mga kaakbay at kayakap nila sa kani-kanilang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel