Mayor Isko, magpapagawa ng 14 palapag na condo style na pabahay para sa mahihirap
- Nabanggit ng kilalang Mayor ng Maynila ang pagpapagawa niya ng pabahay para sa mahihirap na walang maayos na matirahan sa lungsod
- Kung dati'y limang palapag lamang ang plano, ngayon ay 14 palapag na ito kaya may magkakaroon pa ito ng elevator
- Pinayagan sila ng National Housing Authority sa mala-condo style na pabahay kaya tuloy na ang pagpapagawa nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuloy ang pagpapagawa ng pabahay ng masipag na Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.
Sa isa sa kanyang mga talumpati kaharap ang mga mamamayan ng Maynila, sinabi niyang detailed engineering design na lamang ang hinihintay para sa maitayo na ang 14 na palapag na gusaling pabahay para sa mga mahihirap.
Nalaman ng KAMI na sa unang plano, lumalabas na hanggang limang palapag lang sana ito ngunit pinayagan daw si Yorme Isko ng National Housing Authority na gawin ito ng hanggang 14 na palapag.
Proud ang alkalde na sabihing may elevator pa ang gusali kaya naman masasabing mala-condo style daw ito.
Paliwanag niya, tutupadin na lamang din niya ang proyekto kaya itinodo na niya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit halos hindi na siya natutulog.
Nabanggit din niya na ang vertical housing program na ito ay isa sa mga pinangarap lamang niya noon para sa lungsod.
42 square meter ang sukat ng disenteng unit kung saan mayroong kwarto para sa magulang at para rin sa mga anak.
Dahil dito, maraming residente ng lungsod ang na-excite sa proyekto na ito ng kanilang "Yorme".
Tunay nga raw na malaki ang pagbabago sa Maynila ngunit para naman daw ito sa kanilang ikabubuti at ikauunlad sa maayos na pamamaraan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???
Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh