Karumal-dumal! 19-anyos na college student, hinalay at pinatay

Karumal-dumal! 19-anyos na college student, hinalay at pinatay

- Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng isang 19-anyos na dalaga sa Iloilo na natagpuang nakatali sa isang kahoy

- Ayon sa ulat, hinalay muna bago pinatay ang biktima na nagpaalam lang daw na may bibilihin sa tindahan noong Sabado ng hapon

- Isa sa dalawang suspek ang nahuli na ng mga awtoridad sa tulong na rin ng ilang residente sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng dalagang natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa bayan ng Janiuay, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Ronalyn Brabio, 19-anyos at isang estudyante sa isang unibersidad sa Iloilo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, lumalabas na hinalay muna ang biktima bago pinatay.

Natagpuan ang katawan nito na nakatali pa sa isang kahoy at may saksak sa tiyan.

"Una naming natagpuan yung tsinelas niya tapos yung cellphone niya nakita ng kanyang nobyo. Tinawagan so umilaw. Tapos nakita namin ang katawan malapit doon," ayon sa tatay ng biktima.

Anito, nagpaalam ang anak na may bibilhin lamang sa tindahan bandang alas-5 ng hapon noong Sabado.

Ngunit nag-alala na sila nang isang oras na ang lumipas ay wala pa ang dalaga kaya hinanap na nila ito.

Base sa ulat, dalawa ang suspek sa karumal-dumal na krimen at isa sa mga ito ay nahuli na sa tulong na rin ng ilang residente sa lugar.

Habang ang isa na itinuturong utak sa krimen at tinutugis pa ng mga awtoridad.

"Binaboy nila ang anak ko. Dapat mahuli kasi kung hindi, marami pa ang kanilang mabiktima. Grabe yung ginawa nila. Kung pwede lang sana patayin din sila," sabi ng tatay ng biktima.

Napag-alaman naman na nagbabakasyon lang ang biktima sa kanilang lugar dahil sembreak sa kanilang eskwelahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favourite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel