Lalaking inakusahan ng panghihipo sa e-jeep, balak ding kasuhan ang driver
- Balak na ring kasuhan ng lalaking inakusahan ng panghihipo sa e-jeep ang driver at konduktor nito
- Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na ang driver ang nag-udyok sa babae na "tirahin" ang lalaki na inakala niyang hinipuan siya
- Humingi ng tawad ang driver sa lalaki ngunit masama ang loob nito nang malamang ito pa ang nagsabi sa babae na saktan siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami na ang sumubaybay sa kontrobersyal na insidente ng di umano'y panghihipo na naganap sa isang e-jeep kamakailan.
Sa programa ng Raffy Tulfo, nakilala ang lalaking si Alexander Gutal, 53-anyos na isa ring jeepney driver at si alyas "Linda" na di umano'y hinipuan ni tatay Alexander sa loob ng e-jeep.
Lumabas na wala namang katotohanang ang panghihipo kay "Linda" ngunit nabugbog ng ilang beses ang walang kalaban-laban na si tatay Alexander.
Dahil dito, inihahanda na ng pamilya ng biktima ang kaso para kay Linda. Gayundin sa ama at kapatid nitong sumugod pa sa barangay at nambugbog sa kaawa-awang jeepney driver.
Ngunit, dahil sa mga mapanuring netizens, lumalabas na damay na rin ang driver at konduktor ng e-jeep sa nasabing insidente.
Ito ay matapos mailabas sa publiko ang video na kuha sa e-jeep kung saan makikita at maririnig ang buong pangyayari.
Sa video, napansin ng netizens na nagsalita ng "sige, tirahin mo na!" ang driver na nakilalang si Jowel Espiritu.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Makikita rin kasi na pagkasabi nito ng driver, tila nagkalakas ng loob ang babae na sugurin ang inakala niyang nanghipo sa kanya na siyang naging simula ng argumento at pananakit sa lalaki.
Sa programang Raffy Tulfo in Action, nagkaharap ang driver kasama ang konduktor na si Montano Ocampo at si tatay Alexander na kasama naman ang kanyang anak na si Christian.
Doon nagkaroon ng pagkakataon ang driver na magpaliwanag at humingi na rin ng tawad kay tatay Alexander.
Ayon sa kanya, nadala lamang siya sa pag-aakalang totoo nga ang insidente ng panghihipo.
Ngunit di nito nakumbinsi si tatay Alexander na di na siya idamay pa sa kaso lalo na at may ebidensya na ito ang nag-udyok sa babae na saktan ang matanda.
Mayroon din kasing isang anggulo ng kwento kung saan sinabing nagpaakyat pa ng mga lalaki ang driver upang tuluyan na ngang saktan ang inakusahan.
Narito ang kabuuan ng video:
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh