Mamahalin! 5 Gorgeous & famous Pinay celebrities na may pinakamahal na engagement rings

Mamahalin! 5 Gorgeous & famous Pinay celebrities na may pinakamahal na engagement rings

Mamahalin! Spotted ng KAMI ang 5 gorgeous & famous Pinay celebrities sa showbiz na may pinakamahal na engagement rings, ayon pa sa isang viral vlog.

Mamahalin! 5 Gorgeous & famous Pinay celebrities na may pinakamahal na engagement rings

Source: Instagram/Angel Locsin/Marian Rivera/StarStudio
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa sa viral vlog na aming naispatan sa YouTube ay ito raw ang "5 Most Expensive Engagement Rings" ng mga sikat na Pinay celebrities.

1. Marian Rivera

Ang engagement ring daw ni Kapuso Primetime Queen ang pinakamahal na engagement ring na kanyang napag-alaman.

Isa itong napakagandang emerald-cut diamond set in platinum na disenyo ni Harry Winston na may total weight na 2.48 carats, ayon na rin ito ng Preview.

Nag-email umano ang vlogger na si Princess Mendoza sa nasabing jeweler at tinanong ang tungkol dito.

Ayon pa raw sa kanilang email ang 1 carat daw nila ay nagkakahalagang $28, 000++++.

Dalawang engagement proposal ang nangyari kaya dalawang engagement rings din ang meron si Marian, ayon pa sa mga naunang balita at sa mga pics sa taas.

2. Angel Locsin

Top 2 dito ay ang kaka-engage pa lang na si Angel Locsin na mayroon daw 4.24 carats diamond ring, ayon na rin sa unang balita ng Phil Star.

Dugtong na impormasyon naman mula sa vlogger, isa itong solitaire ring (single diamond), princess cut diamond in white gold setting na gawa ng Miladay at nagkakahalaga raw ito ng 2 million pesos.

3. Sarah Lahbati

Ang ika-top 3 naman daw sa pinakamahal na engagement ring sa mga gorgeous at famous Pinay celebrities ay walang iba kung di ang ikakasal na ngayong March 2020 na si Sarah Lahbati.

Isa raw itong round cut, pavé setting at either platinum or white gold daw ang metal ng engagement ring ni Sarah na ayon pa umano sa diamond expert na di raw ito baba sa 2-carat.

Hindi raw ito baba sa 2 million pesos at ito rin ang naiulat ng The Filipino Times.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Toni Gonzaga

Nasa pang-apat naman sa kanyang listahan ang engagement ring ng Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.

Una ng ibinalita ito ng ABS-CBN News na 1.5-carat daw ang diamond ring ni Toni na nagkakahalagang 2 million pesos na pinagawa pa ni direk Paul Soriano sa Israel.

5. Pauleen Luna

Top 5 naman sa pinakamahal na engagement ring ay kay Eat Bulaga dabarkad Pauleen Luna na nagkakahalagang 1.5 million pesos na binili pa umano ni Bossing Vic Sotto sa Hong Kong at ito ay ayon na rin sa naunang balita ng entertainment page ng Inquirer.

POPULAR: Read more news about Pinay celebrity here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel