Senior high student, nahulog mula sa 5th floor ng SM North Edsa
- Isang senior high school student ang nahulog mula sa ika-limang palapag ng SM City North Edsa sa QC
- Naisugod pa sa ospital ang binata kung saan siya binawian ng buhay dahil sa tinamong injuries
- Ilang ulat ang lumabas na hinihinalang nag-suicide ang estudyante
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Patay ang isang senior high school student sa Quezon City matapos itong mahulog mula sa ika-limang palapag ng SM City North Edsa.
Bumagsak ang estudyante sa escalator ng nasabing sikat na mall.
Ayon sa ulat ng GMA News, nangyari ang insidente bandang 5:37 pm.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Isinugod pa ang binata sa QC General Hospital kung saan siya binawian ng buhay bandang 6:00 pm dahil sa mga tinamong injuries.
Isang Twitter post ang ibinahagi ni Divine Reyes ng DZBB Super Radyo kung saan makikitang sinasaklolohan pa ang estudyante.
Ayon sa ulat, estudyante ito mula sa San Francisco High School.
Samantala, sa isang ulat mula sa Inquirer, hinihinalang nagpakamatay ang binata sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-limang palapag.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District kung may foul play na nangyari.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?
Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh