Mister na di lang daw nambababae kundi nanlalalaki rin, di na masikmura ng misis

Mister na di lang daw nambababae kundi nanlalalaki rin, di na masikmura ng misis

- Inireklamo ng isang misis ang kanyang mister dahil sa dami ng sinusustentuhan nito

- Ang malala pa, di lang babae kundi pati rin karelasyong lalaki ay meron ang mister

- Bagaman at nasa korte na ang kaso laban sa mister, tila di pa rin kampante ang misis dahil sa ₱4,000 lang daw ang kayang isustento ng mister sa dalawa nilang anak kada buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na kinaya ng 33-anyos na misis na si Lita Alvarez ang panloloko di umano sa kanya ng kanyang mister na si Marlo Alvarez, 35.

Dumulog na siya sa programa ni Raffy Tulfo dahil di lamang pambabababae ang ginagawa ng mister kundi may mga karelasyon din di umano itong mga lalaki.

Propesor sa kolehiyo si Marlo kung saan daw nito nakikilala ang mga nakakarelasyon.

Ang hinanakit ng misis, nagagawa raw ng mister na magsustento sa mga kalaguyo nito ngunit di naman makapagbigay ng maayos sa kanilang mag-iina.

Maging si Idol Raffy ay nagulantang sa kakaibang suliraning ito ng mag-asawa dahil di raw ito pangkaraniwan.

Nang subukang kapanayamin ng programa ang mister, pili lamang ang mga nasabi nito at ang laging sinasambit ay nasa korte naman na raw ang kanyang kaso.

Di naman makampante ang misis dahil sa ₱1,000 kada linggo lang o ₱4,000 kada buwan lamang daw ang kayang ibigay ng mister bilang sustento sa kanilang mga anak.

Masama ang loob ng misis dahil di sasapat ang halagang ito upang buhayin ng maayos ang mga anak.

Sinang-ayunan naman ito ni Tulfo dahil sa kung totoo man daw na may mga karelasyon ang propesor, sana raw ay sa mga anak na lamang nito binibigay ang perang pinambabae at pinanglalalaki nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging diskusyon:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel