Russian employer, hinimatay sa mga pahayag ng nanlokong kasambahay

Russian employer, hinimatay sa mga pahayag ng nanlokong kasambahay

- Naging mainit ang talakayan sa programang Raffy Tulfo in Action sa tindi ng mga pasabog ng kasambahay sa kanyang employer

- Di na ito kinaya pa ng Russian na amo na hinimatay na at kinailangang dalhin na sa clinic

- Lumabas ang katotohanan base na rin sa mga mabibigat na ebidensya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang sinubaybayan ng publiko ang kontrobersyal na paghaharap ng Russian employer na si Manar Al Khebi at kanyang kasambahay na si Jocelle Inocencio sa programang Raffy Tulfo in Action.

Ayon sa employer, ₱350,000 ang nai-scam nito sa kanya sa paniniwalang magnenegosyo ang kanyang kasambahay dito sa bansa.

Lumawak na ang naging usapin sa dami ng mga isiniwalat ng magkabilang panig.

Isa sa pinakamabigat na ibinagsak na salita ni Joecelle o mas kilala bilang JC ay nang sabihing may relasyon sila ng amo.

Bilang patunay daw, alam niya ang mga balat at peklat ng amo sa katawan dahil minsan na raw silang nagtalik.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil kinakailangan itong kumpirmahin ng host ng programa na si Raffy Tulfo, naitanong niya ang mga ito kay Manar.

Labis naman itong ikinagulat ng employer dahil walang katotohanan ang mga "ilusyon" na ito ng kasambahay.

Lumalabas na iba ang tila iba ang interpretasyon ni JC ng kabaitan ni Manar sa kanya.

Sa tindi marahil ng tensyon sa mga kaganapan, hinimatay si Manar at kinailangang dalhin sa clinic ng tanggapan ni Tulfo.

Ang nakamamangha pa rito sa kabila ng mga nagawa na ito ni JC kay Manar nagawa a rin siyang patawarin ng employer ngunit kailangan nitong harapin ang kasong estafa.

Samantala, di lamang pala si Manar ang naloko ni JC pagdating sa pera. Kaya naman mas lalong lumakas ang loob ng employer na ituloy ang kaso upang magsilbing leksyon ito kay JC.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica