Lalaking nanakit ng Grab driver sa viral video, humihingi na ng tawad

Lalaking nanakit ng Grab driver sa viral video, humihingi na ng tawad

- Humihingi na ng tawad ang lalaki sa magkasintahang nanakit ng Grab driver

- Mabilis na nag-viral ang video na nakuha sa aktwal na komprontasyon at kita kung paano lubos na nadehado ang driver

- Ayon sa lalaki, pinagdudusahan na niya ang naging kasalanan sa Grab driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumusta ng programang Raffy Tulfo in Action si Jan Jervie Mercado o mas kilala bilang "Jan-jan", ang lalaki sa magkasintahang nakunan ng video na nanakit ng Grab driver.

Sa video ng nasabing programa, diretsahang tinanong staff kung bakit humantong pa sa gulo ang dapat na pagkausap na lamang ng maayos sa driver na si Reyaldo Tugade.

Ayon kay Jan-jan, aminado siyang nakainom nang oras na iyon kaya naman wala na siyang kontrol sa sarili.

Nagsimula ang alitan nang tanggihan di umano ni Reynaldo ang 5 sasakay sa 4-seater na Grab car dahil labag daw ito sa kanilang polisiya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang inilaban naman ng girlfriend ni Jan-jan na nakilalang si Rhea Sangil, bata naman na pwedeng kalungin ang ikalimang pasahero.

Kasalukuyang humaharap sa kasong Physical injury at malicious mischief si Jan-jan na pinagsisihan na ang kanyang nagawa.

"Kuya Rey, pasensya ka na. Alam kong hindi sapat yung pasensya at sorry sa nagawa ko sayo pero napagdudusahan ko naman na yung mga kasalanang nagawa ko saka aminado naman ako na nagawa ko sayo yun," mensahe ni Jan-jan kay Rey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Labis na kalungkutan din daw ang nadarama ni Jan-jan ngayon at siya ay nakakulong, malayo sa pamilya at mahal sa buhay.

Nais din niyang maabswelto ang kasintahan sa nangyari na umawat lang naman daw sa gulo.

Samantala, laking pasalamat naman ng Grab driver kay Raffy Tulfo dahil sa laki ng naitulong nito sa itinakbo ng kaso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel