Erwin Tulfo, dismayado sa naging pahayag ni Gretchen Diez
- Naglabas ng saloobin ang mamamahayag na si Erwin Tulfo tungkol sa sinabi ng trans woman na si Gretchen Diez
- Ayon kay Gretchen, bukas siya sa posibilidad na pumasok sa politika upang maisulong ang karapatan ng LGBT community
- Nagpahayag naman ng simpatiya ang mamahayag para sa janitress na nasibak dahil sa issue
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pinagsasabihan ng mamamahayag na si Erwin Tulfo si Gretchen Diez matapos niyang sabihing bukas siya sa pagpasok sa politika matapos ang viral na video ng nangyari sa kanya sa Farmers Plaza Cubao, Quezon City ilang araw na ang nakalilipas.
Sa isang post sa social media, ipinahayag ni Tulfo ang kanyang pagkadismaya sa pinakabagong pahayag ni Diez. Ayon kay Erwin sana ay sinasabi ng trans woman ang kanyang balak napumasok sa politika una pa lamang.
“AYUN NAMAN PALA!!! Sana sinabi mo kaagad ineng na GUSTO MO LANG TUMAKBO SA SUSUNOD NA HALALAN para hindi na nasibak si ateng na janitress…kawawa naman.” saad niya sa kanyang Facebook post.
“I WOULD HAVE FOUGHT FOR YOU ALL THE WAY BECAUSE I ALWAYS BELIEVE THAT THE LGBTQ+ SHOULD BE TREATED EQUALLY AND FAIRLY. Sayang,” dagdag pa niya.
Noong Sabado, sinabi ni Diez sa press na bukas siya upang tumakbo sa politika bilang isang paraan para sa kanya upang maging boses ng LGBTQ + sa gobyerno.
Base naman sa comment ng mamahayag ay hinahanap niya ang nasabing janitress upang matulungan at mabigyan ng trabaho.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
“I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that. Siguro wala naman pong masama na ang isang transgender na katulad ko ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng boses lalo na po sa ating pamahalaan,” pahayag ni Diez.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
“Sabi na gusto pa nila akong tumakbo. Ako po ngayon ang gusto ko lang naman po ay mabigyan ng katarungan ang nangyari po sa akin kasi po 28 years po akong nabubuhay sa mundo, 28 years ko pong naranasan ang diskriminasyon,” dagdag pa nito.
Ang nasabing mga pahayag ni Diez ay nakatanggap ng halo-halong mga reaksyon mula sa mga netizens at ilang mga kritiko. Ilan sa kanila ang nagbabala sa kanya na huwag gamitin ang kanyang katanyagan upang makapasok sa politika.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter
Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.
Source: KAMI.com.gh