Netizens, sobrang naka-relate sa viral na eksena ng pag-abot ng pamasahe sa jeep
- Uminit din daw ang ulo ng karamihan ng netizens sa viral na eksena ng pag-abot ng bayad sa jeep
- Madalas daw kasi talaga itong mangyari sa mga sumasakay ng jeepney
- Payo ng karamihan, maging responsable sa pag-aabot ng bayad
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila nakahanap ng katapat ang isang bababeng pasahero na nakaupo sa dulo, malapit na sa pinto ng jeep.
Viral kasi ang eksena na di umano'y ginawa niya na binahagi ng netizen na si Dave Argel Robles.
Sa larawan, tinakpan ni Dave ng 'bulaklak' ang mukha ng babae. Pinaaabot kasi nito ang kanyang bayad sa lalaking nakaupo na malapit na sa may driver.
Ang problema, kahit pa medyo malayo ang babae ay di nito masyadong naibanat ang braso sa pag-aabot ng kanyang bayad.
Kitang-kita naman din daw sa post na wala pang ibang sakay na maaari pang lumapit ang babae upang maiabot ang kanyang bayad sa tsuper.
At dahil di nga niya ginawa ang mga ito, nakapagsalita raw tuloy ang lalaking inaabutan niya ng bayad ng "aba lumapit ka!"
Pinigilan lamang daw tumawa ni Dave dahil nga di umubra ang basta na lamang pagpapaabot ng babae ng kanyang pamasahe.
Madalas kasi talaga itong mangyari lalo pa kung wala pang masyadong sakay na pasahero ang jeep.
Uupo sa may dulong bahagi malapit sa pinto ang pasahero at ang masaklap, maghihintay ito ng taong uupo malapit sa driver para iabot ang kanyang bayad.
Dahil dito, maraming netizens ang naka-relate at di raw naiwasang magngitngit sa inis sa ginawa ng babaeng ito.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Madaming ganyan. Ung iba tulog ka eh kakalabitin ka para iabot bayad nila"
"Hello, PWD ba yan? matanda? hindi naman di ba? maiintindiihan ko pa kung ganun yung babae e malakas pa naman siya!"
"O ano ka ngayon, nakahanap ka ng katapat mo!"
"Tama kuya, si ate ang mag-effort hindi ikaw!"
"Ganyan din nga gagawin ko sa susunod na may mag-abot ng bayad tapos anlayo"
"Be responsible ate, umusod ka ng konti tas balik ka nalang sa pwesto mo"
Umabot na sa 119 reactions, 1.1k comments at 22,000 na shares ang viral post na ito.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.
Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh