Part 2: Legit at kabit, may nakatokang kani-kanyang schedule kay mister na malupit

Part 2: Legit at kabit, may nakatokang kani-kanyang schedule kay mister na malupit

- Hinarap na ni mister ang reklamo ng kanyang misis kay Idol Raffy

- Hindi na kasi makaya ni misis ang pambababae ni mister na paulit-ulit niyang ginagawa

- Nagtaas ng kilay ang maraming netizens sa ipinapayo ng programa sa mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagharap na sa wakas ang misis na nagreklamo sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' dahil sa pambababae ng kanyang mister na si Jorge Fernandez.

Matatandaang sa Part 1 ng kuwento ni Alma Fernandez ay mayroon daw sariling schedule ang kanyang mister para sa kabit nito na si Mylene Santos.

Nalaman ng KAMI na sa paghaharap ni misis at ni mister sa Part 2 ng kuwento nila, sinubukan ni Idol Raffy na magkaayos pa ang mag-asawa.

Pero giit ni misis, hindi na niya masikmura ang ginagawa sa kanya ni mister kaya hindi na niya kayang makipagbalikan dito.

Palagi pang nababanggit ni mister na nagkamali lamang siya kaya naman sinagot siya ni misis ng, "Hindi pagkakamali yun! Ang pagkakamali isang beses, dalawang beses.. Hindi eh, limang beses na!"

Isiniwalat pa nga ni misis na nabuntis din ni mister ang kanyang best friend ng 10 taon kaya naman labis-labis ang hinanakit niya rito.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maraming netizens naman ang pumalag sa pag-pilit kay misis na makipagbalikan kay mister para sa mga anak.

Narito ang reaksyon at komento ng netizens sa social media.

"hay nku charry wag mona pilitin...Tama c ate.Ang hinde sinasadya hinde nga 2x...Once lng yun.Pag more than once..Choice n yun.Hehe"
"Ano ba ang reporter na to ang kulit ipipilit pang pagsamahin ang dalawa kung ikaw kaya ipagsama sa ganyang lalaki? D maganda para sa mga anak ang mga nakikita nila at naririnig dapat talagang mahiwalay ang ganyang klaseng ama. Kung gusto niya magbago dapat ipakita niya d nman kilangan ipagsama pa maraming paraan."
"HINDI TAMA ANG PINAG-AAYOS PARA MAGSAMA ULIT PARA LANG SA MGA BATA! KUNG AYAW NA NG BABAE HUWAG NANG IPILIT PA! Eh halata namang hindi sincere si mister and sa dami ng mga atraso nya sa pamilya nya na HINDI NYA INUUWIAN MAHIGIT ISANG TAON NA at nakipagkita lang kay misis dahil lang naTulfo siya so it means wala talaga syang balak na balikan ang pamilya nya."
"Kaya lumakas ang loob ng mga babaerong lalaki na kaunting bola lang papayag na si asawa..kaya dapat si ate mapanindigan na di siya makipagbalikan!!!"
"Huwag nang balikan Yan ma'am feeling guapo. Sana makarma YAN. Miss Sharee ma walang galang na po ano huwag pilitin Ang wife na ayaw na masakit sa kanya Ang ginawa nang husband niya. HUWAG PILITIN KASI ANG LALAKI TINGNAN MO ANO SINABI NIYA PARA SA MGA ANAK KUNO THAT MEANS WALANG RESPECT SA WIFE NIYA. PARA LANG HINDI SIYA MAKULONG SEGURO. Ipakulong mo Yan dapat. Walang Pera nangabit pa."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, lumabas na ang Part 2 ng kuwento ng isang pasyente na naging girlfriend ni Dok na isang plastic surgeon at nagpasaklolo kay Idol Raffy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, our team asked people how acid is supposed to taste! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel