Madam Kilay, masaya nang muli ang love life matapos makawala sa diumano'y toxic na relasyon

Madam Kilay, masaya nang muli ang love life matapos makawala sa diumano'y toxic na relasyon

- Ibinahagi ni Madam Kilay ang isang challenge sa kanyang Facebook page

- Ang challenge na ito ang naging daan upang makilala niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan

- Ibinahagi din niya ang naging dahilan kung bakit sila nag-break ng boyfriend niya pagkatapos niyang mahiwalay sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Upang mapagbigyan ang ilang request ng kanyang followers, sinubukan ni Madam Kilay ang "Find a stranger to be your bf in one day challenge."

Nilinaw din niyang hiwalay na siya sa pinakilala niyang boyfriend na si Afam T. Paliwanag niya, hindi naging maganda ang kanilang pagsasama kaya mas ginusto niyang makipaghiwalay dito.

Pinalad naman siya nang pumayag ang unang lalaking kanyang napagtanungan na nagpakilalang si Michael. Marami sa mga followers ni Madam Kilay o Jinky sa totoong buhay ang natuwa nang mag-aya si Michael kung pwede silang magkitang muli kinabukasan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa mga sumunod na video na ibinahagi ng social media influencer, naging komportable na sila sa isa't-isa. Inamin pa ng lalaki na gusto niyang totohanin ang kanilang relasyon.

Kaya naman, isang sorpresa ang inihanda ng bagong "Afam" para maging nobya niya si Jinky. Pinuntahan niya ito habang namimili sa isang department store.

Nagulat si Madam nang buksan ni Michael ang trunk ng kanyang kotse. Nakalagay doon ang mga lobo kasama ang karatula na may nakasulat na, "Jinky, lets go official! Be my girlfriend?"

Iniabot din niya ang mga bulaklak na nakalagay sa vase. Makikita din sa video na sinagot siya ni Madam.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Marami ang natuwa para sa social media influencer. Sa isang Facebook live video ay sinagot nilang dalawa ang ilang mga katanungan ng followers ni Madam Kilay.

Si Jinky Anderson o mas kilala bilang si Madam Kilay ay ipinanganak at lumaki sa Navotas. Sumikat siya matapos mag viral ang video na ginawa niya habang kausap sa FB Live ang kanyang kaibigang si Janice. Tinuturuan niya itong magkilay online.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagbigay ng mga detalye ni Madam Kilay tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Paul Anderson.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist | HumanMeter

Jennylyn Mercado gets asked about her career, being a Starstruck host and about her relationship with Dennis Trillo. Click the play button and check out Jennylyn's one on one interviews with Human Meter.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel