Dimples Romana, ibinahagi ang kwento ng kanyang buhay

Dimples Romana, ibinahagi ang kwento ng kanyang buhay

- Bilang isa sa tinuturing na pinakamagaling na aktres sa kasalukuyan, malalim pala ang pinaghuhugutan ni Dimples Romana

- Mapa bida man o kontrabida, laging napapansin ang kanyang husay sa pag-arte

- Sa isang panayam ni Korina Sanchez sa kanya, emosyonal na ibinahagi ni Dimples ang kanyang naging karanasan sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Dimples Romana ang kanyang pinadaanan bago pa man siya kilalalanin bilang isa sa pinakamahuhusay na aktres. Marami siyang pinagdaanan bago pa man siya nakilala bilang si Daniela Modragon.

Sa panayam ni Korina Sanchez sa aktres, emosyonal na ibinahagi ni Dimples ang ilan sa mga pinagmumulan ng kanyang hugot sa pag-arte.

Bata pa lamang ay kinailangan nang magtrabaho ni Dimples para sa kaniyang pamilya. Kuwento niya, nakatulong sa kaniyang pag-arte ang kaniyang mga karanasan noong bata pa siya, kasama na ang maagang pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Dahil na rin sa maagang pagkawala ng kaniyang ama, ginusto rin ni Dimples na maagang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kanyang kasikatang tinatamasa, dumami ang opportunidad para sa kanya. Kaya naman marami ang natuwa sa pagiging wais nilang mag-asawa pagdating sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan. Sa naunang ulat, nag-viral ang video ng aktres kung saan ipinasilip niya sa kanyang mga fans ang ikasampung property na ipinundar nilang mag-asawa.

Si Dimples Romana ay natapos sa kursong International Hospitality Management Major in Culinary Arts sa Enderun College. Ang pinaka unang pagganap niya sa teleserye ay sa Esperanza noong 1997. Sa kasalukuyan, pinag-uusapan ang kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida sa teleseryeng Kadenang Ginto.

POPULAR: Read more entertainment news here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel