Pulis Makati, kauna-unahang nakatanggap ng "Pulis Magiting award"
- Tinanghal bilang "Pulis Magiting" awardee si Cpl. Claro Fornis
- Siya ang pulis na tumayong guardian ng anak ng nadakip nila at nakakulong dahil sa iligal na droga
- Ang award na ito ay binibigay sa mga pulis na nagpakita ng pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa kapwa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang pulis Makati ang hinirang bilang pinaka-unang nakatanggap ng 'Pulis Magiting' award noong Hulyo 12.
Ayon sa Philippine Star, ito ay si Cpl. Claro Fornis na tumayong guardian ni Angela Perez, anak ng nakakulong dahil sa iligal na droga.
Tinanggap niya ang naturang award mula kay National Capital Region Police Office director Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa isang seremonya na isinagawa sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Una nang naibalita ng KAMI na nagmagandang loob si Cpl. Fornis na siyang maging guardian na maaring sumama noon kay Angela para ito ay makapagpalista at makabalik muli sa pag-aaral.
Ang 'Pulis Magiting' award ay proyekto ng NCRPO at Ayala Foundation. Ito ay naglalayong parangalan ang mga pulis na nagpakita ng pagmamahal sa bansa at pagmamalasakit sa kapwa.
Nilinaw din ni NCRPO chief na sa ganitong paraan, maisip ng mga pulis na laging may naka-monitor sa kanya at kung may kahanga-hanaga itong nagawa ay masusuklian naman ito ng merit.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin|
Source: KAMI.com.gh