2 suspek sa pagpatay sa estudyanteng isinilid sa storage box, naaresto

2 suspek sa pagpatay sa estudyanteng isinilid sa storage box, naaresto

-Naaresto na ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa estudyanteng si Carl Laurence Demerey

-Si Demerey ang graduating student na natagpuang patay sa Biñan, Laguna at nakasilid sa isang storage box

-Patuloy pa rin ang pagtugis sa isa pang suspek ayon sa mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natiklo na ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa estudyanteng si Carl Laurence Demerey na natagpuang bangkay na sa Biñan, Laguna.

Una nang naiulat ng KAMI na nakita nag bangkay ni Demerey sa isang bakanteng lote sat nakasilid sa isang plastic storage box.

Ayon sa ulat ni Henry Atuelan ng ABS-CBN News, kinilala ang dalawang naaresto na sina Najir Macaorao at Abdul Canapio ayon kay Police Col. Danilo Mendoza, chief ng Biñan police.

Samantalang patuloy pa rin ang pagtugis sa isa pang suspek ng mga ito.

Ayon pa sa ulat, mayroon ng tinitignang motibo sa krimen ngunit hindi muna ito idinetalye ng pulisya dahil mayroon pang follow up operation laban sa ikatlong suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatulong raw sa mga awtoridad para madakip ang mga salarin ang mga CCTV footage kung saan nakita ang mga ito sa lugar.

Matatandaang Martes ng umaga nang makita ng caretaker ng bakanteng lote ang storage box na kinalalagyan ng bangkay ni Demerey.

Ayon dito, puno ng galos ang katawan ng 24-anyos na binata at mukhang pinahirapan ito.

Tinatayang nasa dalawang araw na itong patay bago matagpuan ayon pa din sa mga awtoridad.

Blangko naman ang mga kaanak ng binata sa motibo ng pagpatay dito dahil mabait at paka-kaibigan raw ito.

Magtatapos na sana sa kursong Accountancy si Demerey.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? Can you answer all these questions without using Google? The people in the streets who answered our tricky questions will make you laugh out loud! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel