Video ng lalaking nag-reserve ng parking space gamit ang sarili, nag-viral

Video ng lalaking nag-reserve ng parking space gamit ang sarili, nag-viral

- Isang video ang nag-viral kamakailan na kuha sa isang parking lot sa mall

- Makikita sa video na galit na galit ang lalaking nag-reserve ng parking space gamit ang sarili

- Umani ito ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang awayan na naman sa parking space ang nag-viral kamakailan sa social media.

Nalaman ng KAMI na isang lalaki ang nakipag-away sa isang driver nang hindi siya pinagbigyan nito dahil ginamit niya ang sarili niya para mag-reserve ng parking space sa isang mall.

Pinost ni Mari Giannina Farica Buenaventura sa Facebook ang nasabing viral video.

Narito ang full caption ng post.

"Sir nakakahiya naman po sainyo wala pa po yung kotse niyo/ng anak niyo nakatayo na kayo jan sa parking space.

"CAR park po ito. Ano yan issave niyo yung kotse niyo ng parking??

"Maiintindihan po namin kung emergency e. Eh nasa MALL po tayo.

"Madami pa pong pwede pagparkingan. Ibang klase ka po sir."

Watch the video below:

May mga malls na rin ang naglalagay ng paskil tungkol sa 'first-come-first-serve' basis ng mga parking slots.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa viral na video. May mga nagalit sa matandang lalaki pero may nagsasabi rin na pareho silang ayaw magbigayan.

"Bakit nakasanayan natin mga pinoy n tayo ang mali o nakikiusap tayo p may gana magalit."
"Binili niya siguro yung parking space na yan kaya ganyan makaasta"
"Nakakabilib ang pasensya mo sir. Taas kamay ko sayo. Yung matanda nakikiusap pero pagalit? Eh di wow!"
"Isa na namang utak talangka, salot sa kalsada din yang matandang yan."
"dakdak pa more... ang bawal eh bawal... huwag daanin s pandadarag.."
"Kaya magulo ang pinas dahil sa mga taong ganito na baluktot nagisip. Alam na at inamin pa mali sya tapos pinanindigan pa. Yan ang literal na "walang hiya". Tumandang walang pinagkatandaan."
" Payo ko lang brad nextym kung kasama mo nmn family mo mas mainam umiwas nalang sa ganyan set aside mo muna un pride mo...pano kung kupal tlga un matanda or may baril baka mas malala pa ang nangyari..."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang humagulgol sa iyak sa paghingi ng last chance kay mister.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, our team interviewed internet sensation Madam Kilay as she shares the details of her breakup with Afam! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel