May 1,1903, petsa ng kauna-unahang selebrasyon ng Labor day sa Pinas

May 1,1903, petsa ng kauna-unahang selebrasyon ng Labor day sa Pinas

- Mayo 1, 1903 ang kauna-unahang selebrayon ng Araw ng mga Manggagawa sa Pilipinas

- Union Obrera Democratica de Filipinas ang nag-organisa ng selebrasyon na siyang nagsulong ng kalayaan ng mga Pilipinong maggagawa mula sa kapitalismo at imperyalismo ng mga Amerikano

- April 8, 1908 naman nang opisyal nang hinayag ang pagiging holiday ng Mayo 1 bilang Araw ng mga Manggagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayo 1, 1903 ang unang beses na nagkaroon ng selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa sa ating bansa.

Ito ay matapos magmartsa ng libo-libong manggagawang Pilipino sa pangunguna ng Union Obrera Democratica de Filipinas na humihingi ng kalayaan mula sa Imperyalismo at kapitalismo ng mga Amerikano.

Ayon sa Kahimyang.com, nabuo ang Union Obrera Democratica o Union Obrera Democratica de Filipinas Isabelo delos Reyes na Herminigildo Cruz noong February 2, 1902 sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.

Nalaman ng KAMI na Agosto ng parehong taon, nadakip si Delos Reyes dahil sa rebelyon, sedsyon at ang ideya ng paghingi ng pagtaas ng halaga ng paggawa sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito si Dominador Gomez ang sumalo sa naiwang pwesto ni Delos Reyes at siyang nanguna sa kauna-unahang Labor Day sa bansa.

Makalipas ang nasa limang taon, naipanukala na na gawing opisyal na holiday ang Araw ng mga Manggagawa na ating ginugunita, taon-taon tuwing Mayo 1.

Samantala, ayon naman sa Time na sinulat ni Lily Rothman, may dalawang pakahulugan naman ang Mayo 1.

Bukod kasi sa Labor day, ang pagpasok ng buwan ng Mayo ay ang paggunita ng Mayflower festival sa iba't ibang panig ng mundo.

Maaring ang ibang bansa ay nagdiriwang din ng Araw ng mga Manggagawatulad natin ngunit ang ilang bansa gaya ng Estados Unidos at ginugunita ito tuwing Setyembre.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica