Traffic enforcer, sinita ang ambulasyang nag-counterflow; pasyente, patay sa ospital

Traffic enforcer, sinita ang ambulasyang nag-counterflow; pasyente, patay sa ospital

- Isang traffic enforcer sa Cagayan de Oro ang binash ng todo sa social media

- Nag-viral kasi ang video nito habang sinisita ang ambulansyang nag-counterflow

- Kinalaunan ay namatay ang pasyente sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang traffic enforcer sa Cagayan de Oro ang nag-viral dahil sa pagsita nito sa isang ambulasyang nag-counterflow sa kalsada.

Nalaman ng KAMI na nag-viral din ang video ng kanilang engkwentro.

Ayon sa nag-post ng video, nakipagtalo raw ang enforcer sa driver ng ambulansya at kinuhanan pa siya ng ID kahit nakita raw nitong naghihingalo na ang pasyente.

Ni-report naman ng GMA News na kinalaunan ay pumanaw din ang pasyente sa ospital.

“NAKASAKAY KAMI SA AMBULANSYA NA MAY DALANG PASYENTE PARA DALHIN SA PROVINCIAL HOSPITAL NG MISAMIS ORIENTAL SA PAGSINGIT NG AMBULANSYA NAMIN BIGLANG SINAPAK NG ENFORCER NA ITO (ROADS AND TRAFFIC ADMINISTRATION - CDO) ANG AMBULANSYANG SINASAKYAN NAMIN NAKIPAGTALO PA ANG ENFORCER NA ITO SA DRIVER NAMIN AT KINUHANAN PA NG ID , KAHIT KITA NYANG HINIHINGAL NA ANG PASYENTENG KAILANGAN NAMIN MAHATID .

“GIVEN NAMAN NA SANA NA DAPAT MAG GIVE WAY SA EMERGENCY VEHICLES, BUT WHAT HAPPEN HERE IS MISMONG LAW ENFORCEMENT PERSONNEL PA ANG CAUSE OF DELAY,” sinulat ni Ardy Lira Cabuena sa Facebook.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Galit na galit naman ang netizens sa ginawa ng enforcer sa ambulansya:

“Dapat tanggalin yan sa serbisyo bkt naging enforcer yan wla pa lng alam yan.”

“Hoy sinong nag hire sayo o nag seminar kaba ng pagiging traffic emforcer alam bang ambulance emergency pagbigyan ng daan stop man o hindi paraanin huwag mong abalahin pagmay nyari sa pasyente sasagutin mo”

“baka ang orientation nila, pag pulitiko ang nakawangwang, padaanin pag ambulance at firetruck hulihin”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Now imagine: you are a young aspiring actress and you are going to appear on a great show and then you tell all of your friends and relatives about it. They gather in the specified time in front of the TV but then... The Incredible Bea Alonzo shares embarrassing moments she experienced throughout her career. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PAGASA: 2 low pressure area namataan sa labas ng PAR ngayong Linggo

PAGASA: 2 low pressure area namataan sa labas ng PAR ngayong Linggo

2 low pressure area, spotted malapit sa PAR ayon sa PAGASA
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel