Away ng mga high school students pagkatapos ng klase, sapul sa video

Away ng mga high school students pagkatapos ng klase, sapul sa video

- Kuha sa video ang pananambang at panunugod ng mga babaeng high school students at ilang outsiders sa kapwa nila mga estudyante

- Kitang kita kung paano saktan, sabunutan, hablutin ang mga walang labang estudyante ng mga umaaway sa kanila na inabangan talaga sila sa matapos ang klase

- Naka-detain na umano ang isa sa mga outsider habang nakapagtago naman daw umano ang ilan sa mga kasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na naman ngayon ang panibagong video ng bullying na kinasasangkutan na naman ng mga kabataan.

Ayon sa nagpakilalang tiya na si Jyle Villanueva ng mga biktima, inabangan di umano ang kanyan gmga pamangkin pagkatapos ng kanilang klase.

Doon, sinugod ito ng mga kapwa nila high school students at may ilang outsider na nakigulo na rin sa kanila.

Kitang kita sa video ang pananadyak, pananapak, pananampal, pananabunot at paghablot sa mga walang kalaban-labang mga estudyante.

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Maririnig sa video na tila 'pinagtitripan' di umano ang "asawa" ng isa sa mga estudyanteng nanugod sa kapwa nila high school students.

Ang masaklap pa nito, may kasamang babaeng 'outsider' ang na may kalakihan pa umano ang katawan na siyang nanapak at bumubugbog sa mga di hamak na mas maliliit sa kanyang babae.

Di ito pinalampas ng pamilya ng biktimang taga- Soldiers Hills sa Muntinlupa.

Nabanggit din ng nagbahagi ng post na naiharap na raw sa Women's desk ang ilan sa mga nanugod. Naka-detina na ang babaeng naka-itim sa video habang hinhintay ang medico-legal ng mga biktima.

Ang menor de edad namang nagsabi na 'may asawa' na raw ay inaasahang magbabayad ng danyos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, nakapagtago na ang ilan pa sa kanilang mga kasamahan.

Nagmamakaawa pa raw ang mga ito at humihingi na lamang ng tawad sa nagawang pananakit, ngunit di pumayag ang pamilya ng biktima sa sobrang pang-aabuso na ginawa sa mga estudyante.

Maging ang mga netizens ay walang ibag hiling kundi mabigyan ng kauukulang leksyon ang mga kabataan, habang magbayad ng kaukulang parusa ang nasa edad na.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel