Student teacher, nagawa pa rin ang visual aids para sa final demo kahit naka-swero sa ospital

Student teacher, nagawa pa rin ang visual aids para sa final demo kahit naka-swero sa ospital

- Nag-viral ang larawan ng isang student teacher na nagawa pa rin ang mga gagamitin niya para sa kanyang demo teaching kahit nasa ospital

- Sa larawan, makikitang naka-suwero pa ito habang nagsusulat ng kanyang visual aids para sa final demo niya

- Hinangaan ang student teacher na ito dahil sa pinakita niyang dedikasyon sa piniling propesyon sa kabila ng kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng student teacher na si Jud Gaoilan dahil sa pagpapakita niya agad ng dedikasyon bilang isa sa mga magiging guro.

Makikita sa mismong post ni Jud na gumagawa siya ng kanyang mga 'visual aids' na kanya umanong gagamitin para sa kanyang final demo teaching.

Ngunit, ang kapansin-pansin dito ay ang suwero o dextrose sa kanyang kamay habang nagsusulat sa mga makukulay na cartolina.

Sa caption ng kanyang post, "Kahit naka Confine ako dito sa Hospital , gagawin ko lahat matapos ko lang to.Para sa Final Demo," kinakitaan talaga siya ng determinasyon.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Di naging hadlang ang kanyang karamdaman upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang mag-aaral at ang pagiging susunod na guro.

Magandang simula raw ang kanyang pinakitang ugali na ito dahil sa pagiging responsable niya, magiging mabuting ehemplo ito sa mga magiging guro tulad niya.

Dahil dito, hinangaan ng mga netizens si Jud na tunay na nakaka-inspire ang kanyang ginawang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Tunay na may pangarap"
"Galing!! Magiging the best teacher ka sir"
"You are such an insipiration kuya, FUTURE EDUCATORS FIGHTING!!!!"
"May God bless you and heal you! Kaya mo ‘yan!! Fight lang!"
"Kahanga-Hangang Teacher! I salute you!"
"Wow nmn isa kang mabuting halimbawa never give - up just continue and follow your dreams God will heal you and bless you"
"Salute you bro! Magiging isang Huwarang Guro ka in the near future!"
"wow.,,.hats off ako sayo bro,a didication mo magturo,ako kumukuha ako ng ed. pro ayaw ko ng ganoon.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel