Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti

-Hindi kailanman inakala ng isang mag-asawa na ang 'di pantay na ngiti ng kanilang 3-anyos na anak ay senyales pala ng brain tumor

-Ngunit ang mas masakit pa ay tinaningan na ito ng doktor

-Bagamat hindi ipinapaliwanag ng mag-asawa ang sitwasyon sa kanilang anak, tila nararamdaman naman ng bata na may mali sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mapansin ang mga kakaibang pangyayari sa 3-anyos na si Jack Lacey ay agad na itong dinala ng kanyang mga magulang sa doktor.

Ayon sa ulat ng The Sun, nagsimula ito sa hindi pantay na ngiti ng bata na inakala nilang ginagaya lamang nito sa iba.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Ngunit nang magsimula na itong makaranas ng mga night terrors, pagkindat ng mga mata ng 'di sinasadya ay naalarma na ang mga mag-asawa.

Na-diagnose ang bata na mayroong diffuse pontine glioma, isang uri ng brain tumor na 'di kayang operahan.

Pero ang masamang balita ay hindi pa natapos dito dahil tinaningan na ang bata ng 6-12 buwan na lamang para mabuhay.

“The crazy thing is, the symptoms came about in the last four weeks, however, we’ve been told that the tumor has been growing for many months without symptoms,” ayon sa ama ng bata.

“The tumor he has is a known fast, aggressive killer.” dagdag nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi ito matanggap ng mag-asawa lalo pa ang kaalaman na sandali na lamang nilang makakasama ang anak.

“Our little boy deserves to spend as many days as he can, enjoying what time he has left and as you can imagine, we all had so many plans. We want to use the money to fund day trips out, holidays, presents, meals out.

We also want to take him to the cinema for the first time and buy him a dog. Jack’s already said he wants to call him Waffle.”

Bagamat hindi nila ipinapaliwanag sa bata ang sitwasyon nito ay tila ramdam naman daw ng bata na may mali sa kanya.

Dahil dito, labis-labis na hinagpis ang nadarama ng kanyang mga magulang.

“The news has been the darkest time of our lives, I can’t even begin to think about him not being there. He hasn’t got any relatives who have passed away, there’s no one waiting for him.” sabi pa ng ama nito.

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti

Photo source: Daily Mail
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagang na-stroke, nagbigay ng babala kaugnay sa pag-stretch ng katawan

Dalagang na-stroke, nagbigay ng babala kaugnay sa pag-stretch ng katawan

23-anyos na na-stroke, nagbigay ng babala tungkol sa pag-stretch ng katawan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel