Call center agent na may "katagpo" umano, natagpuang patay sa Pasay

Call center agent na may "katagpo" umano, natagpuang patay sa Pasay

-Isang lalaking call center agent ang natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Pasay City

-Ayon sa PNP ginulpi ng sobra ang biktima, batay na rin sa nakitang sinapit nito at sa paraan ng pagkamatay nito

-Person of interest ang taong kakatagpuin umano nito na nakilala lang sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bangkay na nang matagpuan ang call center agent na si Jake dela Peña sa isang liblib na lugar sa Pasay City, ayon sa ulat ng GMA News.

Lumalabas sa imbestigasyon na may kakatagpuin ang biktima na isang taong nakilala lang sa social media, ayon sa isang office mate nito.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Ito na ngayon ang itinuturing na "person of interest" sa kaso ni dela Peña.

Ayon sa PNP, pinahirapan ng husto ang biktima batay na rin sa nakitang sinapit nito.

Bali ang leeg, may sugat sa bunbunan, tadtad ng mga pasa sa mukha at katawan, may busal na face towel at tinalian pa ang mga paa nito.

Posibleng hindi lang isang tao ang gumawa nito ayon pa sa mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hustisya naman ang hangad ng mga kaanak at kaibigan ng biktima.

Sabi ng ama nito na si Ismael, tanggap niya ang pagkamatay ng anak ngunit hindi ang paraan ng pagkawala nito.

Matinding pangangailangan naman umano ang nakikitang dahilan ng kaibigan nitong si Mica.

Wala nang personal na gamit ang biktima na nakuha sa crime scene ngunit maaaring hindi lang simpleng pagnanakaw ang pakay ng salarin ayon din sa PNP.

March 14 nang huling makitang buhay ang biktima. Kinabukasan, March 15, nadiskubre ang bangkay nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens slam Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes

Netizens slam Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes

Netizens bash Coco Martin over rumored 'panganganak' of Julia Montes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel