Misis, hindi raw matanggap na wala ng "love" at pera sa pamilya; pinangaralan ng millennial na anak

Misis, hindi raw matanggap na wala ng "love" at pera sa pamilya; pinangaralan ng millennial na anak

- Inirereklamo ni Cheryl Seña ang kanyang mister na si Sonny Seña sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action'

- Ayon kay misis, parang nawala na ang dating pagtingin ni mister sa kanya

- Pero ayon sa anak nilang millennial, mayroon ding mga pagkukulang ang kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Cheryl Seña para ireklamo ang kanyang mister na si Sonny Seña.

Bakas ang matinding hinagpis sa mukha ni misis at tila mukhang mabigat talaga ang kanyang dinadala.

Kuwento ni misis, hindi na raw sila nagkikibuang mag-asawa sa bahay. Sobrang sakit para sa kanya na magkakasama sila sa iisang bubong pero parang wala ng pagmamahalang namamagitan sa kanila.

"Lahat ng business mo hindi ako kasali, paano ako matatawag na asawa mo?," tanong ni misis kay mister.

Pahayag pa ni misis, "One time sir sinabi ko, 'Can we make love?' and then sabihin niya 'Tomorrow'."

Nalaman ng KAMI na sinubukan ng team ni Tulfo na makapag-usap sila ng masinsinan. Kaya naman makikita sa video na kasama ni misis ang kanyang mga anak na babae at dito ay naglabas na ng saloobin si Melody Seña, ang isa sa mga anak nila.

"Hindi mo naisip na sa ginawa mo involved din kami," saad ni Melody.

Sinabi rin niya na hindi raw kasi matanggap ng mommy nila na wala na silang pera.

Pero giit ni misis hindi lang pera ang issue, para sa kanya may mas malalim na pinag-uugatan ang kanilang problema.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Marami ang humanga sa pagiging matured ni Melody, pero mayroon ding ilan na nagsasabi na dapat maintindihan niya ang pinagdadaanan ng kanyang ina.

"Obviously the wife is emotionally depressed. Mahalaga ang pag-uusap sa isang mag-asawa hindi yung d mag-iimikan. Talk, listen and react."
"Your mother is a selfish person yon lang yon.....and u have a point"
"the daughter is more mature than her mother.i admire her for being so vocal and open minded"
"Pag puno na talaga tyong mga bbae sumasabog din mukhang stress na din c Mrs..nasa mukha eh!saka ang mga bata kaya nakakapag salita Ng gnyan kasi hnd pa nmn nila naranasan eh!"
"The Daughter Is Mature Na Don Na Tau Pero She's Still Your Mom You Need To Understand Her Side Too... The Point Is Your Dad Doesn't Love Your Mom. IF You Get Married You Will Understand Her Side"
"What do you do? Do you even work? Haha Savage yung anak. Pero tama sya. Listen to your daughter, may matututunan ka."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nagreklamo si Mel Jude Abo-abo sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' dahil gusto niyang mabuo ulit ang kanilang pamilya. Bukod kasi sa pinagtaksilan siya ni misis ay kasalukuyan pa itong buntis. Nagharap na silang dalawa sa wakas at naglabas na ng mga saloobin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Amid ongoing battle between Kris Aquino and Nicko Falcis, the latter's brother, Atty. Jesus Falcis speaks up and tells their side of story. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Full of Love! Carmina Villaroel at family, super enjoy sa kanilang Korea trip

Full of Love! Carmina Villaroel at family, super enjoy sa kanilang Korea trip

Full of Love! Carmina Villaroel at family, super enjoy sa kanilang Korea trip
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel