Heart Evangelista, ikinuwento ang eksena kung saan natakot siya kay Nikki Valdez

Heart Evangelista, ikinuwento ang eksena kung saan natakot siya kay Nikki Valdez

- Sa isang bahagi ng reaction video na ibinahagi ni Heart Evangelista, naikwento niya ang tungkol sa isang eksena sa pelikulang Tanging Ina

- Ayon sa kanya, totoong nasaktan siya nang sabunutan siya ni Nikki Valdez kaya totoo umano ang iyak niya

- Gayunpaman, hindi siya nagreklamo dahil baguhan pa lamang siya at pakiramdam niya ay naaartehan sila sa kanya

- Gumanap si Heart bilang isa sa mga anak ni Ai-ai delas Alas sa pelikulang Ang Tanging Ina kasama si Nikki Valdez na gumanap bilang ate niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Heart Evangelista ang tungkol sa isang eksena sa pelikulang Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang isa sa mga anak ni Ai-ai delas Alas.

Sa kayang ibinahaging video sa YouTube kung saan pinanood niya ang kanya gmga dating videos, ikinuwento ni Heart ang tungkol sa iang dramatic scene kung saan napaiyak siya.

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Ito ay matapos niyang masabunutan ni Nikki Valdez na gumaganap bilang kanyang ate sa nasabing pelikula. Aniya, kahit nasaktan siya ay hindi na lamang siya nagreklamo dahil baguhan pa lamang siya.

Pakiramdam niya ri ay naaartehan sila sa kanya.

(Watch the video below (Proceed to 10:25))

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens sa kanyang pagbabalik-tanaw.

Nakakaaliw panuorin at magbalik tanaw sa nakaraan. I like your pagiging "maarte", it's who you are and natural naman sya hindi pilit at trying hard. Isa pa consistent ka naman kaya mahal ka ng fans mo. You are beautiful inside and out.
Growing up, you were my favorite character in Ang Tanging Ina so I guess you are too blame kung bakit maarte ako today? Haha!
One of my favorite (Pinoy) movies ay ang “Tanging Ina”. I’ve watched it for the nth time around but still making me cry dun sa part na nag away away na kayong magkakapatid. Wouldn’t mind watching it again and again and again kasi ang ganda talaga! More videos like this, miss Heart! Sana may part 2, nakakabitin!
Ama, inatake ang anak na nakahuli sa kanya habang angkas si kabit

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Heart Evangelista, ikinuwento ang eksena kung saan natakot siya kay Nikki Valdez

Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia/Getty Images )
Source: Getty Images

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Sa kabila ng pagiging positibo ng katauhan ng Kapuso aktres, mayroon pa ring mga nagba-bash. Kamakailan, bumwelta din siya sa isang basher na tinawag siyang "squammy" sa kanyang Instagram live.

Bilang isa sa pinakasikat na artist sa kasalukuyan, hindi nakakalimutan ni Heart na magbahagi ng kanyang natanggap na biyaya. Sa katunayan, personal siyang namahagi ng tulong sa mga ospital na nangagailangan.

Ina, di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel