19-anyos na ina ng tinapong sanggol sa basurahan, arestado na

19-anyos na ina ng tinapong sanggol sa basurahan, arestado na

- Nahuli na ang 19 taong gulang na ina umano ng tinapong sanggol sa basurahan

- Hinihinalang nagpalaglag ang ina nito at basta na lamang dinispatsa ang anak

- Sinubukan pa umanong dalhin sa ospital ang sanggol ngunit makalipas ang tatlong oras ay pumanaw na rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado na ang tinuturong ina ng natagpuang sanggol sa basurahan noong Marso 9.

Ayon sa ABS-CBN news, hinihinalang nagpalaglag ang 19 na taong gulang na ina ng sanggol at walang pusong tinapon na lamang ang anak sa basurahan.

Isang bata na namumulot ng basura sa Alwana Compound, Barangay Cugman Cagayan de Oro city ang nakakita sa sanggol na nakabalot pa umano sa supot at nasa drum ng basura.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Nalaman ng KAMI na umiiyak pa umano ang sanggol sa basura ng matagpuan ng batang si Arjun.

Sinubukan pang umanong dalhin ito sa ospital upang mabigyan ng karampatang atensyong medikal, ngunit makalipas lamang ang tatlong oras, pumanaw na rin ang kaawa-awang sanggol.

Nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at doon nahuli ang suspek na nagpadala rin sa ospital sa reklamo nitong pananakit ng tiyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ang duda ko inabort niya pero ‘di siya umaamin. Imposible na lumabas yung bata hindi ka humingi ng tulong. Ang ginawa niya nagtago, saka yung sanggol sa basurahan pa nakita," pahayag ni Police Captain Allan Cairel.

Maaring humarap sa kasong infanticide ang ina ng biktima dahil sa nakikitang probable cause ng piskal kaya dinulog na ito Cagayan de Oro City Jail.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel