OFW, iniwan ang pamilya para sa iba; Nagpanggap pa umanong patay na

OFW, iniwan ang pamilya para sa iba; Nagpanggap pa umanong patay na

-Hindi na nakapag-timpi pa ang isang ginang at naisiwalat sa social media ang kanyang hinaing sa asawa

-Ayon sa ginang na ito, dating maayos ang kanilang pagsasama ngunit nasira lamang nang mas piliin ng asawa ang kapwa nito OFW rin

-Taong 2019 nang magpanggap pa umanong patay ang lalaki matapos nitong magsabi na hindi na ito makakapag-bigay ng sustento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng social media, isiniwalat ng isang ginang ang lahat ng kanyang sama ng loob patungkol sa kanyang asawa.

Ayon sa post ng misis na ito, dati namang maayos ang kanilang relasyon ng asawang OFW.

Ngunit nasira ito nang may makilalang kapwa OFW ang asawa at doon na umano nagsimula ang panglalamig nito.

Una nang itinanggi ng kanyang mister ang kanyang hinala at mula sa paniniwala sa relihiyon ng asawa ay nagtiwala siya, bagamat may kutob pa rin siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2018 nang mabunyag na umano ang relasyon ng mister sa babaeng pinaghihinalaan niya.

Nagkaroon pa sila ng pag-uusap at kasunduan dahil na rin may dalawa itong anak sa kanya.

Ganunpaman, mas pinili na rin daw ng kanyang mister ang babae nito.

Ngunit hindi pa pala dito natapos ang paghihirap nilang mag-ina. Taong 2019 naman, nagsimula na umanong mahirapan silang na-contact ang mister.

Maging ang kanilang mga anak ay hirap na rin makausap ang kanilang ama hanggang sa tuluyan na itong nagsabi na wala nang maaasahang sustento mula rito.

Nagawa pa umano nitong magpanggap na patay na!

At tila dito na naubos ang pasensya ng ginang na ito lalo pa at mayroon siyang dalawang anak na nasaktan din sa nagyaring ito sa kanilang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel