Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

-Isang Pinoy seaman ang nakaligtas mula sa tiyak na kapahamakan matapos umano siyang makakita ng liwanag

-Ayon sa kwento nito, nahulog ito mula sa isang cargo ship kung saan siya kasalukuyang naka-assign ngunit aksidente siyang nahulog mula rito

-Bukod sa tinamong injury mula sa pagkakahulog ay napunta pa ito parte ng karagatan kung saan maraming pating

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Himala raw ang kanyang pagkakaligtas ayon sa Pilipinong seaman na nahulog mula sa isang cargo ship at mawala sa loob ng apat na oras.

Kwento ni Loreto Miles Moscoso III, 25-anyos, aksidenteng nahulog siya mula sa cargo ship kung saan siya naka-assign.

Nang mahulog ay tumama pa ang kanyang likod sa isang matigas na bagay na naging sanhi ng spinal cord injury.

Sinubukan raw niyang humingi ng saklolo ngunit tila walang nakarinig sa kanya.

Sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman mula sa pagtama ng kanyang likod, lumangoy ito palayo sa cargo ship para maiwasang mahila ng propeller nito.

“It was so painful to realize that nobody might have known I have fallen,” ayon kay Loreto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikinabahala niya ng labis nang maisip na wala man lang daw nakapansin na siya ay nawala na.

Nais na raw niyang bumigay nang bigla na lamang siyang makakita ng liwanag. Doon niya raw napagtanto na may tulong mula sa Panginoon.

Upang hindi tuluyang lumubog sa karagatan ay hinubad niya ang lahat ng kasuotan. At tsaka nagpatuloy sa paglangoy.

Ngunit pagkatapos ng ilang oras na paglangoy, isang pating na doble ang laki sa kanya ang kanyang namataan na lumalangoy paikot sa kanya.

Pinanatili naman niya ang maging kalmado kahit pa nga natatakot na siya para sa kanyang buhay.

At nang sa wakas ay may dumating na tulong para sa kanya ay wala nang nagawa pa si Loreto kung hindi ang umiyak.

“The helicopter crew located the missing crew member and directed the boat crew to his location. The boat crew transferred the man to awaiting emergency medical services,” ayon sa U.S. Coast Guard Air Station Miami.

Naniniwala si Loreto na ang Panginoon ang siyang may dala ng liwanag upang siya ay maligtas sa tiyak na kapahamakan.

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Photo source: God TV
Source: Facebook

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Photo source: God TV
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel