Viral! Ice cream vendor na putol ang 1 binti, naglalako pa rin sa kalye

Viral! Ice cream vendor na putol ang 1 binti, naglalako pa rin sa kalye

-Sa kabila ng kakulangang pisikal, hindi ito inalintana ng isang ice cream vendor para sa kanyang pamilya

-Marami man ang humuhusga sa kanya, mas marami pa rin ang humahanga sa amang nagsasakripisyo

-Payo nito sa iba pang katulad niya, huwag sumuko sa laban ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang istorya ng ice cream vendor na si Christoper matapos na may isang netizen ang mag-upload ng kanyang video sa social media.

Marami ang humanga sa kanyang katatagan at pagsasakripisyo para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.

Ayon sa report ng GMA News, naaksidente si Christoper habang naglalako ng ice cream. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi niya pinansin ang kanyang pinsala.

“Hindi ko pinansin ‘yung pagkakapinsala ng paa ko, may bali po pala. Ang akala ko talaga okay lang kasi ang alam ko napilayan lang ako,”

Ngunit habang tumatagal ay lumaki ang pamamaga ng kanyang tuhod at may na-develop na tumor.

Ngunit sa kabila ng panlalaki ng kanyang tuhod at ang pananakit nito, patuloy na kumayod si Christoper para sa pamilya.

“Siyempre kahit na malaki ‘yung tuhod ko tiniis ko kasi ang inisip ko ‘pag nawalan ako ng silbi sa pamilya ko, papano na lang mabubuhay ang mga anak ko?”

Ang kondisyong ito, tiniis niya sa loob ng limang taon hanggang sa may isang babae ang naawa at tinulungan siyang ipagamot ang tuhod.

Pero wala nang nagawa pa ang mga doktor na sumuri sa kanya kung hindi ang putulin ang kanyang binti.

“Pakiramdam ko pinabayaan ako ng Diyos Ama saka Diyos Ina dahil lahat ng mga pagsubok dumating sa buhay naming pamilya. Halos dibdiban kong kinaya,”

Pagkatapos ng operasyon, hindi agad natanggap ni Christoper ang kanyang sitwasyon. May mga panahongwala na rin silang makain dahil wala silang pambili.

Dahil dito, sinikap niyang patatagin ang sarili at bumalik sa pagtitinda ng ice cream gamit ang saklay.

10 kilo ang kanyang pinapasan araw-araw para lamang kumita ng P500.

“Ang pinakamahirap lang, sir, talaga, ‘yung maglakad. Pero sa paglalakad ko araw-araw, nasasanay din naman din ako eh,”

Bagamat may mga taong nagtataka at nagtatanong kung bakit patuloy pa rin siyang nagtitinda kahit na putol ang isa niyang bnti, hindi na lamang ito pinapansin pa ni Christoper.

“Minsan pa ang mga tao, ‘Naputulan ng paa, nagtitinda pa parang nakakahiya naman nang ganun.’ Sabi ko ba't ako mahihiya sa sarili ko eh hanapbuhay ko 'to?”

Viral! Ice cream vendor, naglalako pa rin sa kalye gamit ang kanyang saklay

Photo source: GMA News
Source: Facebook

Maging ang kanyang mga anak ay nakararanas rin ng pangbu-bully dahil sa kanyang kondisyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Laging nabu-bully ang anak ko, ‘Ah putol ang paa ng tatay mo!’ Parang s’yempre ang anak ko dito uuwi, iiyak, ‘Papa, inaasar ka nila, putol daw ang paa mo,’”

Maging ganito man, ipinagmamalaki pa rin si Christoper ng kanyang mga anak.

“Kahit naman putol ang paa ng tatay ko may silbi naman ang tatay ko. Hindi naman siya tambay, hindi naman siya nag-iinom ng alak,”

Nakalulungkot lamang na ang isang katulad ni Christoper na naghahanap-buhay lamang ng marangal ay nakakatikim pa ng pangungutya mula sa mga iba.

“Halos lahat ng panlalait, alipusta sa pagkatao ko, halos nilulunok ko dahil unang-una alam ko basta wala akong ginagawang masama wala akong tinatapakang tao,”

Sa kabila nito, pinananatili pa rin nito ang kabutihan sa kanyang puso. Ang mga natitira niyang ice cream na hindi nabenta ay ibinabahagi niya sa mga bata sa lansangan.

Palagi rin nitong dala ang isang maliit ng bibliya upang makapag-bahagi ng salita ng Panginoon sa kanyang mga kustomer.

Kaya naman ang tulong ay kusang lumalapit sa kanya. Ang babae na tumulong sa kanya noon ay pinangungunahan ang pagkalap ng tulong para sa kanya.

Isa namang orthopedic clinic ang magbibigay sa kanya ng prosthetic leg.

Viral! Ice cream vendor, naglalako pa rin sa kalye gamit ang kanyang saklay

Photo source: GMA News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel