Mga bagong update sa buhay nina Sheerlyn at Charlie mula mismo kay Raffy Tulfo

Mga bagong update sa buhay nina Sheerlyn at Charlie mula mismo kay Raffy Tulfo

- Matapos subaybayan ng buong sambayanan ang kuwento nina Sheerlyn Gerasta at Charlie Lozada, mayroong pinaka-latest na update sa kanila

- Nagmula ang update sa programa ni Raffy Tulfo mismo

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming emosyon ang naramdaman ng sambayanang Pilipino matapos tutukan ang kuwento nina Sheerlyn Gerasta, Charlie Lozada at Edwin Madredio.

Mayroong naantig ang puso, nagalit, naiyak, at nanghinayang sa kuwento nila.

Nalaman ng KAMI na matapos umuwi sa bansa ni Edwin ay naglabas si Raffy Tulfo ng pinaka-latest na update sa kanilang tatlo.

Ayon kay Tulfo, binigyan nila ng 100,000 pesos si Charlie para gamitin pang puhunan sa negosyo. Ngayon ay mayroon na raw itong online business na RTW at puwesto ng isdaan.

Si Sheerlyn at Edwin naman daw ay nagsasama na sa bahay ng tiyahin ni Edwin.

Sa kabilang banda, si Charlie raw ay mayroon ng bagong girlfriend na inalala ni Tulfo.

Ayaw na niya kasi itong masaktan pa kagaya ng dati.

"Ano ba yung bago niyang girlfriend, anong trabaho? Baka masaktan ulit siya.

"Dapat may trabaho, ayoko ng masaktan siya for the second time tapos mamaya eh meron lang pa lang habol. Mamaya negosyo lang yung habol tapos popularity," paliwanag ni Tulfo.

Napag-alaman din na walang lumalabas sa NSO na registration ng kasal nina Sheerlyn at Charlie. Ayon kay Tulfo, hindi nai-rehistro ng pastor na nagkasal sa kanila ang kanilang marriage certificate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens matapos malaman ang update sa kanila.

"Dapat di na nghanap c charlie ng girlfrend,bka mamaya lokohin lng xa ng bagong babae nya"
"naku pagwalng trabho ang syota nya baka pera lng ang habol ingat sya maraming manloloko ngayon kahit babae kasi my pera ng magaama"
"Baka naman gf ni Charlie ay pera Lang gusto"
"dapat huwag muna siya mg girlfriend. kasi marami.naghabol dyang Dahil mg negusyo na, dapat mga anak nalang. marami manlukp ngayung, babae or lalaki,,ingat ingat nalang kita Charlie"
"Buti Nalng hindi sila kasal."
"Good to see na naka move on na si Kuya Charlie. Hari nawa nakita na din niya ang Forever niya."

Sa nakaraang report ng KAMI, pinanggigilan ng maraming netizens ang pagkikita nina Sheerlyn at Edwin sa Pinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features the students of Polytechnic University as they are given sets of tricky questions that they have to answer! This video is very funny and entertaining! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel