Mister, na-depress at naging adik dahil daw sa panlalalaki ni Misis
-Sa programang Aksyon idinulog ng mag-inang Salud at Rena ang kanilang problema sa kapamilya na isang adik
-Ayon sa inang si Salud, hindi na nila kaya ang pagwawala ng anak na adik sa kanilang tahanan
-Nang makausap naman ni Raffy Tulfo ang inirereklamo, sinabi nitong nalulong lamang siya dahil sa depresyon nang lokohin ng kanyang misis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na umano kaya ng mag-inang Salud at Rena Barrios ang kanilang kapamilya na si Richard Barrios dala ng pagiging adik nito.
Dati itong OFW at mayroong dalawang anak sa dating asawa.
Nais nila na mapaalis na ang lalaki sa kanilang tahanan kaya dumulog na ang mag ito sa programang Aksyon.
Kwento ng ina ni Richard na si Salud, madalas na magwala si Richard sa kanilang bahay. Inirereklamo din ng ginang ang pagbebenta nito ng kanilang kagamitan para makabili ng droga.
Ilang beses na rin daw nilang sinubukang ibalik ito sa rehabilitation center ngunit hindi na ito nakikipagtulungan sa kanila.
Nang kinausap naman ito ni Raffy Tulfo on air si Richard, agad naman itong sumang-ayon na umalis sa kanilang bahay.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa pag-uusisa ni idol Raffy, napag-alamang dahil sa depresyon kung kaya ito nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Nanglalaki umano ang kanyang misis at ipinagpalit na siya sa iba.
Napasama din umano ito sa masamang barkada.
Ngunit nang inalok naman ito ni Tulfo ng tulong para siya ay mapa-rehab muli at makailang beses itong tumanggi.
Sa huling bahagi ng episode ng programa, napag-alamang dati na pala itong gumagamit bago pa man nagkaroon ng asawa.
Kaya naman pinayuhan ni Tulfo ang mag-ina na kausapin ng maayos si Richard upang hindi nila ito pagsisihan sa huli.
POPULAR: Read more viral stories here!
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter
Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?
Source: KAMI.com.gh