Pinay OFW sa Jeddah, 5 beses umano ginahasa ng representante ng agency niya

Pinay OFW sa Jeddah, 5 beses umano ginahasa ng representante ng agency niya

- Isang Pinay OFW ang nagsumbong na limang beses daw siyang hinalay ng kinatawan ng kanyang agency

- Ang nasabing kinatawan na nagdeploy sa Pinay OFW ay isang Arabo

- Nakatakda raw siyang i-transfer sa ibang amo pero hinalay siya umano ng Arabo habang nag-aantay sa hotel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Itago na lang sa pangalang "Lina," siya'y isang OFW sa Jeddah na nagsumbong na limang beses umano pagsamantalahan ng kinatawan ng agency na nag-deploy sa kanya.

Nalaman ng KAMI na si Lina ay limang beses pa lang na namasukan bilang kasambahay nang siya'y tumakas sa amo niya.

Humingi siya ng tulong sa agency na nag-deploy sa kanya at nakatakda na sana siyang ilipat ng ibang amo.

Ayon sa report ng GMA, habang nasa hotel, kung saan siya'y nag-aantay na lang na ihatid sa recruitment agency sa Riyadh, dito na siya pinagsamantalahan ng kinatawan ng nasabing agency.

Pinay OFW sa Jeddah, 5 beses umano ginahasa ng representante ng agency niya

Pinay OFW sa Jeddah, 5 beses umano ginahasa ng representante ng agency niya (Photo credit: GMA News)
Source: Facebook

Sabi ng Labor Attache Nasser Munder, nagsumbong ang biktima sa isa niyang kasamahan, at dahil dito naturuan naman siya ng OWWA officers kung ano ang gagawin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napabalik si Lina sa konsulado kasama ang suspek at dito na hinuli ang nasabing Arabo.

Dahil nga sa akusasyong panggagahasa, ipapa-undergo nila si Lina ng medical checkup.

Sinabi na rin ng nasabing Labor Attache na kanyang ipapakansela ang accreditation ng recruitment agency.

Bukod pa rito, papanagutin din ang umabuso umano sa kanya.

"Nanginginig ako sa galit. Binigyan na nila ako ng tubig dahil narinig na nila kung paano ako nagalit...," dagdag pa ni Munder.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel