Tagos-pusong spoken poetry ng isang anak para sa mga OFW nagpaluha sa maraming netizens

Tagos-pusong spoken poetry ng isang anak para sa mga OFW nagpaluha sa maraming netizens

- Isang estudyante ang tumawag ng pansin ng maraming netizens dahil sa makabagbag-damdamin niyang spoken poetry

- Inalay niya ang kanyang tula para sa kanyang magulang na OFW

- Pati mga kaklase niya ay umiyak dahil ramdam ang sakit at pagmamahal ng ina sa anak, at ng anak sa ina na lumayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ngayon ang spoken poetry ng isang estudyanteng nagngangalang Iva Claire Milan Jamelarin dahil sa tagos-pusong mga salita na namutawi sa bibig niya.

Nalaman ng KAMI na ito'y isang alay sa mga ama't inang OFW, at dahil si Iva ay anak ng OFW, nabigyan niya ng puso ang bawat linya ng tula.

Makikitang sa unag pate pa lang ng tula ay hirap na si Iva na pigilan ang sarili na di umiyak pero talagang tumulo ang luha niya habang nagsasalita.

Ilang beses niyang kinailangang pahiran ito at tumigil saglit upang makahinga ng malalim at magpatuloy.

Maririnig na ang kanyang mga kaklase ay sinasabi nang parang iiyak na sila.

Sa kalagitnaan ng tula, nang umikot ang camera, makikitang hindi lang isa o dalawa sa mga kaklase ni Iva ang napaluha.

Sabi ng kapatid niya na si Ivee Jean Jamelarin sa isang comment sa FB:

@Ivee Jean Jamelarin "thank you po sa mga naka appreciate sa kapatid ko ... at thank you po sa nanay namin na mas pinili na malayo samin mapa buti lang kami ... sa mga nanay tatay na OFW thank you po at proud po kaming mga anak nyu sa inyu ..."

Pakinggan ang napakaganda't tagos-pusong alay na spoken poetry ng isang anak sa magulang na OFW.

Narito ang link sa full video nito: https://www.facebook.com/proudofwaroundtheglobe/videos/309640176565716/

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)