'No read, no write' na kasambahay, nagsumbong pinapakain umano ng expired at hinahamak ng amo
- Nagsumbong ang magkapatid na mga kasambahay sa Raffy Tulfo in Action dahil pinalayas daw sila kaya natulog sila sa city hall
- Pinapakain pa raw sila ng expired at minumura ng amo nila kaya
- Nanlulumo si ate dahil alam niyang no read no write siya at sa lahat daw ng amo, dun lang daw niya naranasan ang ganun
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumunta ang magkapatid na kasambahay na sina May Ann Cadano at Vicente Cadano sa tanggapan ni Raffy Tulfo dahil sa kanilang mga amo na umano'y nagpalayas sa kanila.
Nalaman ng KAMI na pagkatapos daw silang palayasin, pumunta sila sa city hall at nabigyan sila ng pero para makrating sa tanggapan ni Raffy Tulfo.
Nagsumbong sila na may suweldo pa sila dapat na kukunin pero di daw binigay sa kanila bagkus pinalayas pa sila.
Hindi lang iyon, pinapakain pa raw sila ng expired na pagkain, dinuduro tsaka minumura.
Tinakot pa daw si May Ann ng guard sa pamamagitan ng isang fake na warrant of arrest at numtik nang atakihin ang ina dahil dito.
Sabi ng kapatid ni Vicente, no read no write daw ang kapatid kaya sang wag ganunin.
Nang makausap ang amo nila na babae, sinabi niyang joke lang daw iyon kasi mahilig daw sumagot ng telepono si May kaya ginawa niya iyon for security purposes. Kinlaro naman nila na hindi ang babae ang masama ang pakitungo sa kanila kundi ang asawa nito.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nagkita ang magkapatid na kasambahay at ang amo nila sa barangay at dun na naglabasan ng mga akusasyon.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh