Boy Abunda, naglabas ng saloobin sa mga kumakalat na memes tungkol sa kaniya

Boy Abunda, naglabas ng saloobin sa mga kumakalat na memes tungkol sa kaniya

- Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Tito Boy na ginawang memes

- Ipinapakita sa mga viral na memes ang kaniyang basketball skills

- Dahil dito ay hindi napigilang mag react ni Tito Boy sa kaniyang programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya host na si Boy Abunda tungkol sa mga viral na memes ngayon sa social media kung saan siya ang naging subject.

Nalaman ng KAMI na kumakalat ngayon ang mga nakakatuwang larawan ng celebrity habang nagbabasketball sa kaniyang programang “Tonight With Boy Abunda.”

Guest niya noon sa isang episode si Grae Fernandez na mahilig sa nasabing sport kaya sinubukan din ito ng “King Of Talk.”

Dito na nagsimula ang pagiging viral ng samu’t-saring memes tungkol sa host na ang iba ay tinawag pa siyang “Le-boy James” at “Kareem Abunda-bbar.”

Itinabi din ang kaniyang larawan habang nagdi-dribble sa ilan pang mga basketball legends sa NBA katulad ni Kobe Bryant dahil sa pagkakahalintulad diumano ng kanilang ulo.

Dahil dito, hindi napigilang mag react ni Tito Boy at sinimulan ang isang recent episode ng kaniyang programa sa pagsasalita tungkol sa mga viral na larawan.

Ginaya rin niya ang iba’t-ibang pose na nauna niya nang ginawa na mas lalong pinag-usapan ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa beteranong host, nagpapasalamat siya sa lahat ng gumagawa ng memes dahil marami silang napapasayang mga tao.

Maging siya ay nahawaan na diumano ng good vibes na idinudulot ng mga nakakatuwang larawan lalo na tungkol sa kaniya.

“Sa lahat ng gumagawa ng memes, maraming-maraming salamat. Magandang pampagising, pampa-good vibes,”pahayag ni Boy.

“Thank you for paying attention to us!” dagdag pa niya.

Narito ang video ng kaniyang reaction:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, sinagot na ni Boy ang mga akusasyon na “threatened” siya kay Vice Ganda at sa hosting skills nito.

Si Boy Abunda, o Eugenio Romerica Abunda Jr. sa totoong buhay, ay ipinanganak noong October 29, 1955. Bukod sa pagho-host ay isa rin siyang talent manager ng mga artista.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel