Di umano'y pari na aminadong 'gay', sinasabing di raw kasalanan ang maging LGBTQ

Di umano'y pari na aminadong 'gay', sinasabing di raw kasalanan ang maging LGBTQ

- Aminado si Father RJ na isa siyang "gay" mula pa nang siya ay nagbinata

- Bagaman ganito ang kanyang nararamdaman, di pa rin niya tinalikuran ang tawag ng pagpapari sa kanya

- Tahasan din niyang sinabi na ang pagiging miyembro ng LGBTQ community ay di kasalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pari ng simbahang Katoliko ang hayagang inamin na siya ay isang bakla.

Ayon sa panayam sa paring nakilalang si Father RJ, pagpatak niya ng pagbibinata saka niya naramdaman ang paghanga sa pareho niya ng kasarian.

Ngunit lahat ng ito ay nabago nang magtapos siya ng kolehiyo ay nakarinig ng tawag ng pagpapari.

Bagaman at ganoon ang kanyang nadarama sa kanyang pagkatao, di pa rin niya tinalikuran ang pagpapari.

Di umano'y pari na aminadong 'gay', sinasabing di raw kasalanan ang maging LGBTQ
source: OutrageMag.com
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman siya ay labis na nasaktan nang pirmahan ni Pope Francis noong 2016 ang The Gift of the Priestly Vocation na nagsasabi na ang mga taong may homosexual tendencies ay di na inaasahan pang papasukin sa seminaryo na siyang preparasyon sa pagpapari.

Nasaktan daw at nasimaya si Fr. RJ sa pahayag na ito na nilabas sa OutrageMag.com.

“I reject the idea that gays are not fit to be priests," ani Fr. RJ.
“Those statements versus gay priests, which were copied from ideas first put forth under the pontificate of Pope Benedict XVI, are evil, cruel and outright discriminatory. Those are not coming from the Holy Spirit. don’t see any contradiction between being gay and being a priest."

Naniniwala raw si Fr. RJ na maging ang ibang pari o mga santo pa nga ay may mga bakla.

Paliwanag ni Fr. RJ na suportado naman siya ng kanyang mga kasama at maging ang kanyang mga superior.

"Being LGBT is not a sin. Logically, therefore, LGBT love and LGBT relationships are not sinful," paniniwala ni Fr. RJ.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica