Sanggol nilagay sa plastic, sinilid sa backpack at kinabit sa bakuran, nagsusumikap mabuhay!

Sanggol nilagay sa plastic, sinilid sa backpack at kinabit sa bakuran, nagsusumikap mabuhay!

- Isang sanggol ang natagpuan ng mga basurero sa Cebu

- Siya ay nilagay sa isang plastic, tapos nilagay sa isang backpack, at ikinabit sa bakod

- Buhay ang bata at dinala siya ng mga nakatagpo sa kanya sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunus-lunos ang sitwasyon ng isang sanggol na natagpuan ng mga basurero sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ito ay nakalagay sa loob ng plastic, tapos nilagay sa backpack at sinabit ang backpack sa isang bakod.

Nalaman ng KAMI na akala nila nung una ay patay na ang sanggol.

Ngunit nang lapitan nila ito at ginalaw ang plastic, napasigaw ang nakatagpo na "Naghilak! (Umiyak!)"

Sa video na nakuha ng isa sa mga saksi, makikitang tinaas pa ng sanggol ang kanyang kamay.

Sabi nga ng isa doon, "Naningkamot ug bata ug mabuhi siya! (Nagsusumikap yung baby na mabuhay siya!)"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpahiwatig ng matinding pagmamalasakit ang mga nakatagpo sa sanggol.

Maririnig na sinasabi nilang sobrang kawawa yung bata.

Panooring ang makapigil-hiningang pag-rescue sa baby.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)