May babala ang mga dermatologists sa paggamit ng glutathione para pumuti

May babala ang mga dermatologists sa paggamit ng glutathione para pumuti

- Nagbigay ng paalala ang Philippine Dermatological Society sa paggamit ng glutathione

- Tampok kasi sa mga Pilipino ngayon ang paggamit ng gluta pampaputi

- Sabi ng PDS ay wala pa raw matibay na ebidensya na ligtas nga ang paggamit ng gluta para pumuti

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok nga sa karamihan ng mga tao ngayon ang paggamit ng glutathione dahil sa diumanong bisa nitong pampaputi. Isang grupo ng mga lisensyadong dermatologists, ang Philippine Dermatological Society (PDS), ang nagbigay ng babala sa paggamit ng glutathione bilang pampaputi.

Nalaman ng KAMI na ayon sa PDS ay hindi pa raw talagang napapatunayan ang kaligtasan ng glutathione bilang pampaputi lalo na ang mga intravenous (IV) glutathione o ‘yung mga ini-inject na gluta.

"Its safety as a skin whitener has not yet been firmly established," sabi ng PDS. Dagdag pa nila, hindi pa raw aprubado ng Philippine Food and Drug Agency (FDA) ang gluta para sa dermatolohikal na paggamit.

Read also

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

Sabi rin sa report ng CNN Philippines, ang gluta raw ay ginagamit lang bilang supplements.

“NONE OF THE SYSTEMIC GLUTATHIONE CONTAINING PRODUCTS AROUND THE WORLD HAVE BEEN APPROVED FOR SKIN WHITENING. The Philippine Food and Drug Administration (FDA) has approved oral glutathione products as nutritional supplements only," giit ng PDS.

“None of the systemic glutathione-containing products around the world has been approved for skin whitening. High-quality clinical trials are needed to prove its efficacy as a skin whitener,” dagdag pa nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa report naman ng Inquirer, ang paggamit daw ng glutathione ay maaaring mag-uwi sa panganib tulad ng pagkakaroon ng mga pasa, gastritis o kaya renal failure. Sabi rin daw ng PDS na ang gluta ay ginagamit ng mga cancer patients para maibsan ang masamang epekto ng chemotherapy.

Read also

K Brosas, ‘di nagsisi sa pag-endorso kay Leni Robredo kahit natalo

Nagsagawa nga ng isang forum sa Quezon City upang ipaalam sa publiko ang masamang epekto ng glutathione lalo na sa panahon ngayon kung saan mas maraming mga klinika na ang nagbibigay ng IV gluta maski sa mga salon o mall. Mayroon din daw mga nars at midwife na illegal na nagaalok ng mga IV sessions sa mga pasyente nila.

Paalala ng PDS sa mga nars at midwife na ang mga mahuhuling nagsasagawa ng illegal na pagtuturok ng IV gluta sa mga pasyente ay maaaring mauwi sa pagbawi ng kanilang lisensya at kasuhan ng illegal practice of medicine na may parusang P10,000 na multa o pagkakakulong na hamggang limang taon.

Kamakailan nga lang daw ay nagsagawa ng pag-aaral ang PDS at lumabas na 69 na pasyente ang nakaramdam ng pagkahilo, pagtaas ng blood sugar, mabilis na pagkakaroon ng pasa, hirap sa paghinga at gastritis matapos silang gumamit ng IV glutathione.

Read also

Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)