Misis na OFW, binahagi ang kalokohan daw ng mister na may 2 babae at magkapatid pa

Misis na OFW, binahagi ang kalokohan daw ng mister na may 2 babae at magkapatid pa

- Naglabas ng saloobin ang isang misis na nasa Saudi na niloloko na pala ng kanyang mister

- Nalaman niyang dalawa ang babae ng kanyang mister at magkapatid pa

- Ang isa pa sa nakuhang babae ng kanyang mister ay 16 taong gulang lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilang maglabas ng sama ng loob ang misis na si Daisy Calderon Aglibot. OFW sa Saudi Arabia si Daisy at napakasakit sa kanya nang malaman na nambabae ang kanyang mister, di lang isa kundi dalawa pa.

Ang nagpalala pa sa sitwasyon, magkapatid ang mga babae ng kanyang mister at isa pa sa dalawang iyon ay 16 na tong gulang lamang.

Sa post ng misis tila sinalaysay pa ng mister kung paano sila nagkakilala ng mga babae na sa pareho pang lugar ng inuman niya pinupuntahan.

Aminado ang misis na "naalog ang utak niya" sa nabasang ito dahil sa dinitalye pa ng lalaki kung paano niya napagsabay ang dalawang babae.

(Ang mister at ang menor-de-edad niyang ginawang nobya)

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

(Ang ate na naging nobya ng mister)

Nakakagulat kung paano nagawa ng lalaki na magawan ng paraan na mabigyan ng kanya-kanyang oras ang mga babae.

Umabot pa na pinag-awayan ng magkapatid ang lalaki at maging ang ina ng dalawa ay namagitan na sa kanila lalo pa at may posibilidad na buntis ang bunso na menor-de-edad pa lamang.

Sinabi pa ng ina ng dalawang babae na kung buntis ang bunso, kunin na ito ng mister ng OFW at iuwi na at kung di naman buntis ay dadalhin na lamang ito sa Palawan. Huminto na rin sa pag-aaral ang bunso at naghihintay na lamang daw ito kung buntis o hindi.

Samantala, maging ang mga netizens ay nagngitngit sa galit sa ginawa na ito ng lalaki na sa kabila ng paghihirap ng misis sa ibang bansa, nagawa nitong mangaliwa at dalawang babae pa.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"paki kasuhan po...nkkagalit ii"
"Katangahan tlga yan te, Pg pumayag ka n itira sa bahay nyo, Tanga n nga ung mgkapatid. Sasali kapa. Paalagaan mu nlng anak mo sa side mu kesa sa wla mu kwenta aswa.Maapektuhan p mga anak mo pg pumayag n n dun tumira babae nya"
"Nasayo ang problema sender. .una pa lng ngloko dapat hiniwalayan mo na. .kung ako yan ung ibbgay ko suporta sa kahayupan nian ilaan ko nlng s mga anak ko. .para kang kumuha ng malaking bato na ipinukol mo sa ulo mo..."
"Naku po,deadmahin muna asawa mo..ngagalit yan,at gusto sa knya mga bta dahil sa pera mo..."
"Hiwalayan mo na po. Meron ka naman siguro pd pagiwanan ng mga anak mo. Wag m isama sa imoral mo asawa kc un pera ipaoadala mo mauubos sa babae nya imbis na sa anak nyo. Imulat mo un mata mo.di porke may anak kyo magtitiis ka kc mas kawawa un anak mo lumaki nakikita nambabae un tatay nila.wlang respeto sayo at sa anak mo"
" Ipakulong mo dahil bukod sa manloloko yang asawa mo aba magkapatid pantinuhog at minor pa. Ang laking kaso niyan."
"pisti kang lalaki ka. .dalawa pa man din anak mong babae. .di mo inisip kung mangyare din ba yan sa anak mo."
"Pag-uwi mo saka mo sila kasuhan. Lalo na yang asawa mong wala sa katinuan. Halos anak na nya talaga namang sinamantala na nya."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel