4 Official housemates ng Pinoy Big Brother: Otso, pinakilala na!
Nag-umpisa na nga ang bagong season ng kauna-unahan at pinakamalaking reality television show sa bansa ang Pinoy Big Brother: Otso, kani-kanina pa lang, November 10, 2018.
Spotted ng KAMI ang opening ng highly anticipated Kapamilya show, ang PBB, at dito, may bago at may nagbabalik na mga hosts.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang reyna ng Pinoy Big Brother simula nag-umpisa ito ay ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.
Ngayon ay sinamahan uli siya ng kanyang nakakabatang kapatid at Superstar Vlogger o Queen Vlogger na si Alex Gonzaga at nagbabalik rin para maghost si Robi Domingo, na dating housemate sa bahay ni kuya.
Makakasama rin nila sa bagong edisyon na ito ang dalawang Big Winner ng naturang show sa kani-kanilang mga seasons, na ngayon ay kilala ng mga artista at host sa telebisyon na sina Kim Chiu at Melai Cantiveros.
Sa bungad ng kanilang pagbubukas ay pinakilala na ang apat (4) sa mga opisyal na housemates sa bahay ni Kuya at ngayon ay ating kilalanin.
1. Seth Fedelin
Ang kauna-unahang official housemate na pinakilala ay "Ang Hope-Pool Son of Cavite" na si Seth.
Si Seth ay isang 16-year-old student mula sa Cavite, na ayon pa sa balita, na una naming naispatan sa ABS-CBN News, ang rason raw niya para sumali sa PBB ay para matulungan ang kanyang ama na isang dating OFW.
Kailangan raw bumalik ang kanyang ama sa bansa pagkatapos ma-i-stroke.
Nakuha niya ang naturang spot sa pamamagitan umano ng pagtalo sa tatalong "Star Hopefuls," dugtong pa sa balita.
2. Ajon Mendoza
Ang ikalawang offiical housemate na pinakilala ay si Aljon Mendoza, "Ang Shy Charmer ng Pampanga."
3. Art Guma
Ang ikatlo naman na tinawag bilang opisyal housemate sa bahay ni Kuya ay si Art Guma na kilala ngayon sa PBB bilang "Ang Baeral Gwapito ng Davao."
4. Josh Worsley
At ang pang-apat at huli na opisyal na housemate na papasok sa araw na ito sa Bahay ni Kuya ay "Ang Little Prince ng Davao" na si Josh Worsley.
On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Source: KAMI.com.gh