Maging malinis po! Pamilya nagdalamhati sa pagkamatay ng bata dahil sa dumi ng daga
- Isang bata ang binawian ng buhay pagkatapos magkasakit dahil sa dumi ng daga
- Inatake ng virus na nakuha sa daga ang iba't-ibang parte ng katawan
- Ang sakit na ito ay tinatawag na hantavirus pulmonary syndrome na sobrang delikado pag nadapuan ka nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang trahedya ang naranasan ng isang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanilang anak, na ang itinuturong dahilan ay sakit na nakuha sa dumi ng daga.
Nalaman ng KAMI na ang sakit ay tinatawag na hantavirus pulmonary syndrome at sobrang delikado ito dahil inaatake ng virus ang iba't-ibang organs ng katawan.
Ang nakakabahala dito ay hindi mo malalaman agad na ganun na pala ang sakit dahil ang sintomas ay parang flu lamang.
Mataas na lagnat, pagsusuka, panghihina
Ayon sa report ng The Asian Parent, nagsimula magkasakit ang batang si Fernando Hernandez noong Enero 2018.
Flu-like symptoms ang nakita sa kanya pero nang siya'y magkaroon na ng mataas na lagnat at nagsusuka, dito na nag-alala nang husto ang mga magulang niya.
Nahirapan na ring huminga ang bata at nakaranas ng matinding panghihina, kaya dinala na siya sa ospital.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Hantavirus Pulmonary Syndrome
Dito nila napagtanto na nagkaroon ng hantavirus pulmonary syndrome si Fernando.
Kinailangan niyang ikabit sa Extracorporeal Membrane Oxygenation at kalaunan ay sa life support system dahil nagkaroon na siya ng brain hemorrhage, 9 na buwan pagkatapos madapuan ng sakit.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, kahit sino daw na maka "come into contact" sa mga daga na nagke-carry ng hantavirus ay maaaring magkaroon ng nasabing sakit.
Ito'y malubha at kinakailangang madala sa ICU ang pasyente.
Pinalinis ng maduming bakuran
Ang sabi pa ng tatay ni Fernardo, naaalala niyang dalawang buwan bago siya magkasakit, pinalinis niya ang anak ng maruming bakuran.
Baka doon daw nakuha ng anak ang sakit. Nawa'y magsilbing aral ang nangyari kay Fernando na panatilihing malinis parati ang kapaligiran.
Dapat din daw na huwag mag-iwan ng pagkain para di pamugaran ng mga daga.
Naiulat din sa KAMI noong nakaraang linggo ang tungkol sa isang baby na namatay dahil sa isang halik.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh