15 Celebrities na naging host ng Pinoy Big Brother through the years
Dahil babalik na sa ere ang kauna-unahan at ang pinakasikat na reality television show ng Kapamilya network ang Pinoy Big Brother, muling binalikan ang mga naging hosts ng show simula noong nag-umpisa ito.
Kinumpirma nga sa Instagram page ng PBB na babalik na ang naturang show at ito ay tatawaging Pinoy Big Brother: Otso.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Spotted ng KAMI ang mga magiging hosts ng show na kinabibilangan ng Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions' hosts na sina Kim Chiu, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Alex Gonzaga.
Siyempre, hindi mawawala ang host of all hosts, at ang orihina na main host ng programa ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.
Speaking of hosts, sinilip muli ng Push.com, ang mga nakaraang hosts ng show.
1. Toni Gonzaga
Simula pa noong August 21, 2005, ang pag-uumpisa ng Pinoy Big Brother, nariyan na ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.
Ilang ulit ng nanalo si Toni ng hosting awards para sa show dahil naman sa angking galing niya sa paghohost.
2. Wille Revillame
Ang Wowowin host na si Willie Revillame ang orihinal na main eviction host ng show, kasama sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.
Pero kalaunan ay naging si Toni Gonzaga na ito, na naghohost rin ng araw-araw na update sa loob ng bahay at si Mariel naman ang nasa uplate.
3. Mariel Rodriguez
Isa rin si Mariel Rodriguez na orihinal na host sa Pinoy Big Brother.
Siya ang naging host sa Pinoy Big Brother: Uplate.
Naging host ulit noong 2006 para sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 at sa Pinoy Big Brother Teen Edition.
2007, isa pa rin si Marile sa naging host ng PBB, hanggang sa lumipat sa TV5 at naging host ng Wil Time Big Time.
Bumalik sa PBB noong 2015 sa Pinoy Big Brother: 737 at huling nakasama ng PBB noong 2016 sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.
Hindi pa raw alam kung kasama ba ulit siya sa edition na ito.
4. Bianca Gonzalez
Unang pumasok si Bianca Gonzalez sa PBB bilang isa sa mga housemates at naging host umano sa teen first edition ng show.
Wala pa rin daw update kung makakasama pa rin si Bianca sa show.
5. Luis Manzano
Naging host naman raw si Luis Manzano ng Pinoy Big Brother ng dalawang beses.
6. Robi Domingo
Naging host naman si Robi Domingo ng PBB ng 6 times pero naging housemate muna siya.
Ngayong, ang ika 7th time niyang maghost sa show.
7. Alex Gonzaga
Naging host si Alex Gonzaga ng first night ng 5th season ng show at naging kabilang sa mga housemates at houseguest.
Naging host raw siya sa PBB para sa UBER show.
Ngayon, balik hosting na naman siya sa naturang show.
8. John Prats
Naging host rin si John Prats ng apat na season o show ng PBB.
9. Enchong Dee
Naging houset at later on naging houseguest si Enchong Dee ng Pinoy Big Brother: 737.
10. Asia Agcaoíli
Si Asia Agcaoili ang naging host sa mga viewers ng Studio 23 na Pinoy Big Brother on Studio 23: Si Kuya, KaBarkada Mo.
11. Slater Young
Ang Big Winner ng Pinoy Big Brother:Unlimited edition na si Slater Young ay naging Pinoy Big Brother: All In: Ubertime Online host.
12. Joj Agpangan
Ang isa sa paboritong kambal ng PBB na si Joj Agpangan ay naging kasama ni Slater Young sa paghohost ng naturang online show.
13. Jai Agpangan
Kasama rin si Jai Agpangan sa naturang online show.
14. Melai Cantiveros
Ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Double Up na ngayon ay isa sa mga host ng Magandang Buhay ay magiging bagong host ng PBB sa Otso edition nito.
15. Kim Chiu
Ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition na si Kim Chiu ay magiging parte na rin bilang host ng bagong season ng show ang Pinoy Big Brother: Otso.
On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Source: KAMI.com.gh