Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

- Ibinahagi ngayon ni Tosca, anak na babae ni Rico J. Puno, ang mga kaganapan sa mga huling sandali ng batikang mang-aawit

- Ayon kay Tosca, nang hapong iyon bago pumanaw ang ama, nagkaroon pa sila ng duet

- Nang tawagan siya ng pinsar na nirerevive na ang ama, nagwiwish siya na sana marevive pa ngunit sinabihan na siya ng ina na pagod na ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinwento ngayon ni Tosca Puno, anak na babae ni Rico J. Puno, ang mga kaganapan sa huling sandali ng buhay ng batikang mang-aawit.

Nalaman ng KAMI na si Tosca at Rico ay parating nagdu-duet kaya naman ito ay isa sa mga huling bagay na ginawa niya kasama ang ama.

Ayon sa ulat ng PEP, dalawa lang daw sila sa ICU noong hapong iyon at nag-duet pa sila.

Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

“Noong hapon bago siya pumanaw, dalawa lang kami sa ICU, sabi ko, ‘Papa, alam mo ba yung verse na Matthew 11: 28 to 30?’
“Come to me all of you who are weary and tired and I will give you rest...
“Sabi ko, ‘Papa, di ba, kanta iyon ni Basil [Valdez)]?’ Yung 'come to me all of you who are tired...'
“Tapos, kumanta kaming dalawa sa ICU. That was our last duet.
“He passed away with the thought of God, with family."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ni Tosca noong umuwi daw siya, di siya makatulog kaya tinawagan niya ang Papa niya mga around 11:00 P.M.

Ang mga huling salitang binitiwan niya kay Rico ay "Papa, love ka ni God. Maraming plano si God sa iyo. I love you!’"

Pagkatapos daw ng mga ilang minuto, tinawagan na siya ng pinsan niya at sinabihang nire-revive na ang kanyang PaPa.

Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

Nakakaiyak na mga huling sandali ni Rico J. Puno, ibinahagi na ng kanyang anak na babae

"Sabi niya, ‘Ate, nire-revive na si Tito.’
“That was around 12:00... 12:30... parang na-shock po ako, na parang hindi po totoo.
“Pero I knew that we had to go through it. Kasi, kailangang magpakatatag po kami talaga, e.
“So I called my mom. Sabi ko, ‘Mama, what should I do?’ Sagot niya, ‘Pagod na ang daddy mo.’
“I was hoping na isa pa po, isa pa po! Baka ma-revive!
“But, sabi ni Mama, ‘Kawawa ang Papa mo.’
“Napaka-loving niyang dad. He tried to spend time with us... and I’m thankful. I’m thankful.”

Si Rico J. Puno ay isang singer, composer, actor at comedian.

May dalawa siyang anak na sina Tosca Camille at Rio.

Pumanaw siya noong October 30, 2018 na ikinalungkot ng maraming Pilipino.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On Kami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel