OFW sa Saudi Arabia, patay dahil nalason

OFW sa Saudi Arabia, patay dahil nalason

-Isang 44-anyos na babae ang nasawi dahil nalason sa Saudi Arabia kung saan siya namamasukan bilang kasambahay

-Iniimbestigahan din ang report na minamaltrato umano ito ng amo

-Hinihintay pa rin ng mga awtoridad ang autopsy na ginawa sa katawan ng Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang malungkot na balita, isang Pinay ang nasawi sa Saudi Arabia, ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) nito lamang Linggo.

Nalason umano ang overseas Filipino worker (OFW) na si Emerita Gannaban, 44 taong gulang at patuloy na iniimbestigahan ang report na ito ay minamaltrato umano ng amo.

Nito lamang June dumating si Gannaban sa Saudi Arabia upang mamasukan bilang kasambahay.

"The Department assures the family of Gannaban that it would take a closer look into her death as well as allegations that she had been maltreated," ayon sa DFA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Namatay ang Pinay sa Prince Mohammed bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh noong October 29. Ayon din sa ulat, nagsagawa ng autopsy sa katawan ni Gannaban at hinihintay pa ang resulta nito para maiuwi na ang mga labi nito.

"The embassy is waiting for the results of the autopsy conducted on Gannaban,"

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang embahada ng Pilipinas sa mga kaanak ng Pinay at maging sa amo at recruiters nito sa Manila.

OFW sa Saudi Arabia, patay dahil nalason
Photo source: Getty images
Source: Getty Images

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone