Babaeng abogado, sumulat ng isang open letter para kay Mar Roxas
-Isang abogado at kilalang social media blogger si Atty. Trixie Cruz-Angeles na sumulat kamakailan ng isang open letter para kay Mar Roxas
-Sa mensahe nito, binatikos nito ang muling pagtakbo ni Roxas sa pagka-Senador sa 2019 elections
-Ipinaalala rin ng abogado ang umano'y kapalpakan ni Roxas noong dumating ang bagyong Yolanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang open letter ang isinulat ng isang abogado at kilalang socila media blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles para sa dating DILG Sec. na si Mar Roxas.
Sa liham, binatikos ni Cruz-Angeles ang pagtakbo ni Roxas sa pagka-Senador sa 2019 elections.
Bukod dito, muling ipinaalala ng abogado ang kapalpakan daw ni Roxas noong mga panahong nanalasa ang bagyong Yolanda.
Ayon pa dito, hindi pa rin daw humihingi si Roxas ng patawad sa mga Yolanda victims dahil sa ibinibintang dito na paggamit ng Yolanda funds para sa 2016 presidential elections.
Narito ang kabuuan ng open letter ni Cruz-Angeles:
Dahil sa nakaraang bagyo, nanariwa na naman ang alaala ng nawawalang Yolanda funds. Mar Roxas! Since tatakbo ka rin lang naman, baka gusto mong mag explain?
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa tutoo lang, Mar, alam namin yung negligence mo, yung kakulangan mo sa training, sa expertise. Bitbit mo lang yung yabang mo nung nagpatalaga ka bilang in-charge sa disaster relief nun. Hanggang ngayon, di ka pa nag sorry sa mga taong namatay habang nagiintay ng saklolo sa iyo.
But we digress.
So, Mar. come clean. Paano nyo na divert yung Yolanda funds for elections? Alam namin yung ginagawa ni Dinky Soliman nuon. Dahil napilitan syang maglibing ng nabubulok na bigas, na realize namin na she was hoarding it for campaign purposes. Yun naman ang gawain nyo nuon eh. In the last three years of the Aquino administration, wala kayong ginawa kundi mangharbat ng pondo para sa eleksyon.
At yan ang isa pang dahilan kung bakit di ka namin mapagbigyan, Mar Roxas. Lahat ng nakawan in the second half of the Aquino administration ay gawa ng informal na policy na ito. Na mag raise ng pera para sa 2016 elections -- kung saan IKAW ang Liberal Party bida.
Lintek lang daw ang walang ganti, Mr. Roxas. Makatikim ka sana uli ng matinding pagkatalo. Sa dami ng kasalanan mo sa taong bayan, mabuti kung yan lang ang parusa sa iyo. Dapat nga kulong eh.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh